Hoy mahal, naaalala mo pa ba ako?
Ako yung babaeng nagmahal sayo,
Yung babaeng nag'alaga at sinugal lahat para sayo,
Ako rin pala yung babaeng handang gawin ang lahat kahit na ang kapalit ay maiwan at masaktan ako.
Ako rin yung babaeng handang magsulat ng ilang tula, para maialay sayo.
Hindi ko na mabilang kung ilang ulit akong umiyak ng patago,
Kahit na hindi mo'to alam at wala kang pakialam,
Minahal kita, kahit sabi ng iba na wala kang kwenta,
Minahal kita, kahit sabi ng iba di tayo pareha,
Minahal kita, kahit sabi ng iba na hindi tayo magtatagal at sa huli'y akoy iyong iiwan na bigo at luhaan,
Hindi ako naniwala, pinaglaban kita diba?
Pero tama nga sila, iniwan mo'ko.
Siguro hindi pa ako sapat, oh hindi mo lang talaga ako minahal.
Pero sana, makita mo yung halaga ko, makita mo na "Ako to, yung totoong nagmahal sayo."
Ayoko na mahal ko, ay mali pala, minahal pa rin kita kahit wala ng tayo.
Kaya sa oras na'to, papalayain na kita mahal ko.
Sana pagdating ng panahon magkita tayo, at sasabihan kita ng "Minahal kita, kahit ang gago mo."
1/22/18💖

YOU ARE READING
Tula Ni Maria
Poetry"Write until you can, express yourself through making poems." -Amorina