Ako'y nandito sa sulok, naghihintay sayo.
Naghihintay sa araw na ika'y makita at makapiling.
Sa mga araw na kung saan tayong dal'wa ay masayang nagkukwentuhan, na parang bang walang ibang taong nakatira sa mundo, at tayong dalawa lang ang mahalaga.
Sa mga araw na ako'y iyong aalagaan at iingatan.
'San ka na ba, sinta ko? Na'traffic ka ba sa Edsa at ika'y hindi makakapunta?
O ako'y maghihintay na naman na ikay makikita?
Pakilala ka naman sakin, para ako'y maghahanda at kiligin.
Pakita ka na, pangako di kita iiwan,
Ika'y aking mamahalin ng sobra, at ika'y malulunod sa sobrang sobrang pagmamahal at pagkalinga.
Asan ka na ba?1/24/18💖

YOU ARE READING
Tula Ni Maria
Poésie"Write until you can, express yourself through making poems." -Amorina