Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y magkasama?
Naaalala mo pa ba yung mga panahong tayo'y masaya?
Naaalala mo pa ba yung una nating pagkikita?
Naaalala mo pa ba yung una nating tinginan sa ating mga mata?
At naaalala mo pa ba yung pag-iyak ko dahil sayo?
Naaalala mo pa ba yun?! Malamang hindi noh?
Kasi sa sitwasyong ito , hindi ikaw yung naiwan.
Dahil mas pinili mong ako ay Talikuran.
Mahal, bakit ka ba ganyan?
Bakit ba mas importante sayo ang iyong pride kaysa sa ating pag-iibigan?
Bakit ba mas okay sayo ang makita akong luhaan?
Bakit ba kailangan pa na may masaktan?Mahal , bakit ba kailangang matapos nalang bigla?
Bakit ba ang mga ala-ala nati'y nagmistulang bula?
Bakit ba?
Mahal, bakit ba ako'y nalulungkot pag nakikita kang masaya?
OO, masaya. Masaya sa piling ng iba.
Bakit ba mas pinili kita kaysa sa kanila, ba't ba pinipili kong ikaw ang makasama?
Bakit ba?
Mahal, bakit mo ba ako kailangang iwan?
Bakit ba di mo magawang manatili sa akin?
Bakit ba?
Ano ba ang maaari kong gawin?
Ilang Batya pa ba ng pag-ibig ang kailangan kong gawin?
Ilang balde pa ba ng luha ang kailangan kong punuin?
Kailangan pa ba ng mga salitang dapat araw-araw na sambitin?Kaya sinta, itong huling "BAKIT BA" masagot mo sana.
Bakit nang-iwan ka ba?
At mahal , bakit ba noong ako ay napamahal na?
1/24/18💖
![](https://img.wattpad.com/cover/138676358-288-k581666.jpg)
YOU ARE READING
Tula Ni Maria
Poesía"Write until you can, express yourself through making poems." -Amorina