WALANG TAYO

14 0 0
                                    

 Mahal ko, bakit ang hirap kalimutan?
Mahal ko, bakit ang hirap mong palitan?
Mahal ko, bakit ka ganyan?
Sinubukan kong kalimutan lahat ng masasaya nating alaala,
Yung mga panahon na nasa loob tayo ng discohan at sinasabihan mo'ko ng mga magagandang salita, na sobrang sarap pakinggan.
Yung mga panahon na dadaan ka sa harap ng bahay namin sabay "kindat" ng isang mata mo, na sobrang gandang tingnan.
Yung mga panahon na sobrang sarap mong yapakin, pero wala akong karapatan.
Yung mga panahon na sabay tayong nakikiindak sa tugtog, at sasabayan natin ng pagkanta at tawa.
Yung mga panahon na yinayakap mo'ko sa dilim, at umaasa na "sana, tayo nalang."
Ako'y patuloy na umaasa, pero hanggang dito nalang talaga.
Dahil alam kong sa huli, ako at ako pa rin ang uuwing luhaan at sugatan.
Luhaan sa larong walang sapilitan,
Sugatan sa pag'ibig na walang sinimulan,
Tanggap ko na, na wala tayong pag-asa, at kahit kailanman walang mamumuong "TAYO," sinta.
Pero ang mga masasayang alaala, ay isasabay sa pagdaan ng araw, na kung saan ibabaon ito at iingatan.
Asahan mo, kung tayo'y magkikita mang muli, ako'y ngingiti.
Sasabihin ko sayong, "Kahit walang naging TAYO, minahal kita ng patago."   


1/14/18💖

Tula Ni MariaWhere stories live. Discover now