The Good Start

10 0 0
                                    

Mama... Papa... Alam nyo naman pong mahal na mahal ko kayo. Pero bakit po ako na anak nyo e hindi nyo magawang mahalin? Hindi po tama na palayasin at itakwil nyo ko. Mama, Papa, namimiss ko na po kayo. Kailangan ko po kayo. Mama! Papa! Tulungan nyo po ako!

Kasabay ng pag hagulgol ko ay ang tuluyang pagbuhos ng kanina pang nagbabadyang ulan at ang tuluyang pagkain ng buwan sa liwanag ng araw.

**

"Ama, nagawa ko na po ang pinag uutos ninyo. Umalis na po  ang magkapatid na Lacson sa bahay ng mga magulang nila. Sigurado po akong hindi na nila muling mararanasan ang sakit na  natamo nila sa mag asawang iyon".

Nakita kong ngumiti si Ama senyales na masaya sya dahil nakapag ligtas nanaman kami ng mga batang gaya ko ng hindi pinalad magkaroon ng mabuting magulang.

Sa nakalipas na limang taon, wala na akong ibang matatawag na pamilya kundi si Ama.

Pagkatapos akong itaboy ng mga
magulang ko, sya na ang kumupkop at nag alaga sakin kaya utang ko sa kanya ang buhay na mayroon ako ngayon.

"Heria, gusto mo bang makita ang mga magulang mo?"

Nang lumabas iyon sa bibig ni Ama ay napahinto ako.

Gusto ko ba?

Kaya ko na ba?

Gustong gusto ko na silang makita. Miss na miss ko na si Papa at si Mama. Pero ayoko. Kailangang itago ko ang nararamdaman kong ito dahil sa oras na bumalik ako sa bahay ay magiging mala impyerno nanaman ang buhay ko.

Hinawi ko ang luhang namumuo sa mga mata ko at ngumiti, "hindi na po muna siguro. Ayoko pong maulit ang mga nangyari dati. Okay na po ako dito".

"Tama ka Heria. Mas makakabuti nga siguro kung didito ka muna."   Ang paraan kung paano makitungo sa akin si Ama ay nagpaparamdam na may halaga nga ako.

**

"Ma, tama na po... Ayoko na, ma... Ma, masakit na po..." Kahit anong iyak ko ay hindi nya ako pinapakinggan.

Kailangang magising na ako sa panaginip na ito.

At tama nga ako.

Nagising akong naliligo sa sarili kong pawis. Hinihingal at pakiramdam ko'y patuloy parin akong nasasakal sa bahay na iyon.

Dapat ko na iyong kalimutan. Ang patuloy na pananatili ko sa nakaraan ang syang kikitil sa aking buhay.

*

Nakahain na ang hapunan ng lumabas ako ng kwarto. Kumain na yata si Ama.

"Adobong atay ng manok, dinuguan at kalderetang baka... Amoy palang nakaka busog na."

Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko mararanasang kumain ng may tatlong putahe sa hapag kainan kung nakatira pa rin ako kila Mama at Papa. Napaka swerte ko talaga kay Ama.

Pagkatapos kong kuma

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Satan's FollowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon