Entry #10 (Pasensya na)

22 0 0
                                    

Pasensya na, 

Pasensya na kung ang babaeng kaharap mo ngayon ay walang emosyon, 

Pasensya na kung ang babaeng ito ay ibang iba sa nakilala mo noon, 


Pasensya na kung natatakot siya, 

Pasensya na kung wala na siyang paniniwala, 

At pasensya na, na kung pati ang pag ibig ay kinakatakutan niya, 

Nagbago na siya


Nagbago na ang isip niya, 

Nagbago na ang damdamin niya, 

Nagbago na ang pagkatao niya, 


Dahil sa paulit ulit nalang, 

Paulit ulit na ang kaniyang pagiyak, 

Pauilit ulit nalang ang sakit, 

Ang sakit na dulot ng pag ibig, 


Kaya pasensya ka na, 

Pasensya na kung gusto niyang mahalin ka ngunit hindi niya magawa, 

Pasensya na kung kailangan mong magdusa, 

Dahil ang buong puso niya, ang buong pagkatao niya 


Nasira na ng tadhana.



SPOKEN POETRY (a personal collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon