Perv # 7

200 3 0
                                    

Chapter 7

( French <fries> kiss? )

"Hoy Dada! Wag ka na magtampo."

"...."

"Dada naman eh!" pangungulit sakin ni Sebastian dahil nagtatampo ako sa kaniya or sa kanila.

~flashback

20 minutes ago.

"Wow ganda naman dito! :))"

"Sinabi mo pa Dada!"

"Pwede ba pumunta ako dito bukas ulit? Boring sa bahay eh" sabi ko pero walang pumansin sakin.

"Bro! Meeting muna. Baka pumunta satin yung mga Amerites eh! Mahirap na." rinig kong sabi ni Key kay Perv.

"Ge, wait lang. Pink Labas ka nga muna doon." pagsasabi nya sakin.

"Yoko!" >3< sagot ko sakanya. Nagkatinginan at nagsenyasan lang sila. Nu kaya balak nila??

"Wahhh! Ibaba nyo ako!! Bitaw kayo!!!" sigaw ko sakanila ng buhatin nila akong apat palabas.

"Sorry Dada, kailangan namin tong gawin eh." sabi ni Sebastian sakin bago nila ako tuluyang iwan sa loob ng kotse.

~end of flashback

Ayun na nga! Iniwan nila ako dun mag-isa sa kotse kaya ako nagtatampo ngayon. Arte ko ba? Well nakukuha ko kasi sila Dad sa ganito eh. Tsaka nakakatampo kaya yun.

Kinakain ko ang inorder nila saking pagkain dito sa food court pero di ko sila pinapansin. Si Dada lang ata may care sakin eh!

"Bro may mga tao sila sa labas inaantay yata tayo, puntahan muna namin nila Seb." ano bang pinag-uusapan nila? Natural namang may mga tao sa labas eh. Nakakatanga na to ha. Sila lang kasi nakakagets ng sinasabi nila.

"Ge dito lang kami." sagot ni naman Perv.

"Teka, san sila pupunta?" nakucurious kong tanong.

"May bibilhin lang yung mga yun. Bati mo na ba ako?" :) tanong nya sakin. Natuwa naman ako sakanya. Akalain nyo kasing di na sya seryoso. Napansin ko kasing seryoso at di nya ako kinakausap kanina eh.

"Di pa!" pagsusungit ko sakanya. Sa totoo lang miss na miss ko na sya eh, his my childhood bestfriend remember?

"Ases! Pakipot pa! Alam ko namang namimiss mo rin ako eh! Hahaha!"

"Kapal mo noh?" pagsusungit ko ulit sakanya. Pinisil nya lang cheeks ko at pinagpatuloy yung pagkain nya ng french fries.

Kung di lang to maniac siguro isa rin to sa mga crush ko, sabi ko sa sarili ko habang tinititigan sya. Gwapo nya kasi eh medyo mabait din naman sya paminsan,may matangos na ilong, mapulang labi, mapupungay na mga mata, magandang pangangatawan, at may angking talino. Kaso nga lang napakalaki nyang MANIAC eh. Sayang lang sya. Napangiti naman ako sa naisip ko.

"Hoy! Nginingiti ngiti mo jan? Para kang tanga alam mo ba yun?" sabi nya sakin ng mapansin nyang nginingitian at tinitingnan ko sya.

Sasagot na sana ako nang may nakita akong di kanais-nais sa likod nya. Si Diane! Ngayon ko lang napansin ang mga malalagkit na titig na binibigay nya kay Perv, parang lumuwa pa nga ang mga mata nya nang makita nya si Perv na katabi ko para nga di nya pa ako napansin eh. Di nya ba napansin kagandahan ko? Nu bang gagawin ko?? Kailangan kong tulungan si Perv sa kamay ng babaeng yun!

"Nangyari sayo? Kanina lang ngingiti ngiti ka jan ngayon naman parang naiinis at natataranta ka ano bang--"

"Makisama ka nalang please!" pakiusap ko kay Minion ng yakapin ko sya. Niyakap ko sya para di na matuloy si Diane dito. Kawawa kasi si Minion kay Diane eh sabi ni Key.

"Ano bang nangyayari sayo?! Bitaw nga!! Nakakairita ka na ah!" sigaw nya, di pa nga sya makasigaw ng maganda dahil may laman pang french fries ang bibig nya. Nakita ko namang malapit na malapit na si Diane dito sa pwesto namin. Palpak na yata plano ko eh! Pero dahil mahal ko naman ang aking bestfriend kailangan kong gawin to.

"Para to sayo, Perv!" sabi ko sakanya bago ko gawin ang plano ko.

"Huh? Ano bang--Hmmpp"

I kissed him dinikit ko lang yung labi ko sa labi nya pero di ko namalayang kusa na palang gumagalaw ito, kaya were kissing. Nag-uumpisa na rin syang igalaw ang mga labi nya sakin. Nakaramdam ako ng iba't-ibang klase ng feeling sa loob ko. Parang may nagkakarerahan sa utak at dibdib ko na di ko alam. Di ko magawang itigil ang ginagawa namin naamoy ko kasi ang kanyang hininga na parang may fresh na mint sa bunganga nya. Ang hirap kontrolin ang ginagawa namin hanggang sa parang di na ako makahinga kaya tinulak ko sya.

I catch my breath and naramdaman kong may french fries ata sa bunganga ko. Teka?? Diba si Perv yung kumakain ng french fries? Napatingin ako kay Minion at nakatingin din sya sa akin, napaiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng awkwardness. Hinanap ng aking mga mata si Diane pero wala na sya. Tatayo na sana ako para pumunta sa washroom ng bigla namang dumating sila Key.

"Hi Dada! Bati na tayo ah! Ito oh,binilhan ka namin ng ice cream. Sorry kung matagal kami ah. Ito kasing si Thom pinakita pa samin yung nagfe-french kiss na couple dun sa park."

"Ackk!! Ackk!!"

"Dada anong nangyari sayo? Ito oh tubig."

Ininom ko naman agad yung tubig na binigay ni Seb sakin. Nabilaukan ako sa sinabi nya eh, french kiss daw sa park? Nakaramdam tuloy ulit ako ng awkwardness. Pasimple kong tiningnan si Minion namumula yung tenga nya at nakatingin lang sya sa french fries. Hala?!! Nalunok ko ata yung french fries na galing kay Minion. *gulp*

"U-uyy, Dada anong nangyayari sayo? B-bat namumutla ka?"

"A-ah W-wala. Nabilaukan lang ata ako sa french fries. Hehe" pagdadahilan ko. Baka mahuli kami ni Minion eh, lagot na!

"Di ka nagsasabi ng totoo Dada!"

"Huh? Bakit naman?" nagtatakang tanong ko. Nakita kaya nila yun?

"Eh, wala ka namang french fries eh!"

Hala! Oo nga! Patay na ako neto!!

"A-ah, H-hehe. O-oo nga pala. Uuwi na ba tayo?" pag-iiba ko nang usapan patay na ako neto pagnahuli ako eh! -. -

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Thank you sayo! :)))

Perverted Yellow (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon