Woahweh's
KATATAWANAN
presents ..."LADIES FIRST"
*****
Mahigit tatlong taon naring may relasyon sina Romnick at Lyn. Sa loob ng tatlong taon na yun, walang nakaka-alam na may relasyon sila, maliban sa kanilang dalawa. Hindi nila 'to pinapaalam dahil panigurado silang dalawa na hahadlangan sila ng kanilang mga magulang.
Magkalaban kasi ang kompanya ng dalawa. Nasa parehong larangan ang mga negosyo ng kanilang pamilya, may kompetisyon na namamagitan sa pagitan ng mga kompanya nila.
"Hanggang kailan ba natin itatago ang relasyon nating dalawa?" Napalingon bigla si Romnick sa kanyang kasintahan. Hindi niya inaasahan na itatanong sa kanya yun ni Lyn.
Nasa lihim na tagpuan nilang dalawa sila ngayon. Dito sila nagtatagpo kapag gusto nilang makita ang isa't-isa. Naka-upo sila sa dulo ng bangin; malayang nakalambitin ang mga paa, di nila alintana ang taas ng kanilang kinauupuan.
Napaisip si Romnick. Hanggang kailangan nga ba nila mapapanatiling lihim ang relason nila? May maganda bang kahihinatnan ang pagsasama nila kung puro sila pagpapanggap at pagtatago?
"H-hindi ko alam." Hindi nagsisinungaling si Romnick. Hindi niya talaga alam at wala pa siyang ideya kung papaano sasabihin sa magulang niya ang relasyon nilang dalawa ni Lyn. "Wag na muna sa ngayon, darating din tayo dun."
"Sa tingin ko, parang nahahalata na ng parents ko yung namamagitan sa ating dalawa." Nakayuko lamang si Lyn habang nagsasalita.
Nagulat si Romnick. Ano na kayang mangyayari sa kanila ngayon alam na ng magulang ni Lyn ang lahat? Mas lalo siyang kinabahan.
---------------
Mga alas-otso na ng gabi nang makauwi silang dalawa, inihatid ni Romnick ng palihim si Lyn sa tahanan nito. Hindi alam ng dalawa na sinusundan na pala sila ng kotse ng ama at ina ni Romnick.
Hinalikan muna ni Romnick ang nobya bago nagpaalam. Saktong pagkadampi ng mga labi nila ay sumigaw ang ina ni Romnick.
"Anong ibig sabihin nito?!" Sinugod agad ng ina ni Romnick si Lyn at itinulak palayo. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyong dalawa?"
Gulat na gulat ang magkasintahan sa nangyayari. Maya-maya ay lumabas ang magulang ni Lyn.
"Walang hiya ka! Sino ka para itulak ang unica-hija ko?!" Sinugod at sinampal ng mommy ni Lyn ang mommy ni Romnick.
Nagkagulo, pilit pinaghihiwalay ni Romnick ang dalawang ina pero hindi na kaya. Napaghiwalay lang sila nang namagitan na ang kani-kaniya nilang mga asawa.
"Ipaliwanag mo Lyn ang mga nangyayari!" Nanggagalaiting sigaw ng mommy ni Lyn.
Hindi nakasagot ang dalaga, yumuko lamang ito. Umiiyak na si Lyn. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa nagsalita ang kanyang nobyong si Romnick ...
"May relasyon kaming dalawa! Matagal na! At hinding-hindi niyo kami kayang paghiwalayin!" Buong tapang na pag-amin ni Romnick.
"Hindi kayo pwedeng magsama! Hindi mo pwedeng maging nobya ang walang class na babaeng yan!" Mommy ni Romnick.
"Sinong walang class?! Kayo ang walang class! Mga walang modo! Mga hampaslupa!" Sagot naman ng mommy ni Lyn.
Tila tutol ang lahat sa relasyon ng dalawa. Pero mahal nila ang isa't isa. Kaya naka-isip ng paraan si Romnick para makatakas. Hinila niya si Lyn sa braso at isinakay sa kanyang kotse at pinaharurot ito. Dumiretso sila sa lihim nilang tagpuan.
"Ayaw ng mga magulang natin sa relasyon nating dalawa. Anong gagawin natin?" Umiiyak parin si Lyn.
"Kung ayaw ng lahat ang relasyon nating dalawa..." huminto muna sa pagsasalita si Romnick at huminga ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Tapusin nalang natin, a-ang lahat."
"A-anong ibig mong sabihin?" Nalilitong tanong ni Lyn.
"Wala na rin naman tayong halaga sa kanila. Alam kong itatakwil nila tayong dalawa. Mas mabuti pa sigurong tumalon nalang tayo dito." Sabay turo ni Romnick sa ilalim ng bangin. Napakalalim nito. At paniguradong kahit sinong tatalon dun ay mawawalan agad ng buhay.
Nagdadalawang isip si Lyn. Pero tumango nalang siya. Mahal niya ang binata. Lahat gagawin niya para lang dito.
"Ako na muna ang unang tatalon. Ayaw kong makita kang unang mamatay, hindi ko yun kakayanin." Pagpapaliwanag ni Romnick.
Pumalag si Lyn, pero nagpumilit parin si Romnick hanggang sa tumalon na nga ito.
Kitang-kita ng dalaga kung paano nahulog ang kanyang kasintahan sa bangin. Puro dugo. Lasog-lasog ang katawan nito. Natanggal ang ibang bahagi ng katawan niya at nagkalat ang utak nito.
Natakot si Lyn. Kaya ....
Hindi siya tumalon.
Kaya simula noon, nauso na ang "LADIES FIRST."
(Ang Alamat ng LADIES FIRST)
THE END.
------
Don't forget to VOTE and COMMENT :))
BINABASA MO ANG
KATATAWANAN (Funny One-Shot Stories)
HumorIsang koleksyon ng mga kwentong nalikha dahil sa kawalan ng magawa. Bago mag-basa ay ihanda muna ang panga nang hindi sumakit dahil sa katatawa.