ANG BESTFRIEND KO; SEQUEL-SEQUELAN

7.4K 103 29
                                    

Woahweh's

KATATAWANAN

presents ...

"ANG BESTFRIEND KO; SEQUEL-SEQUELAN"

***************

Mary Jane De Castro is my name. You think my surname's familiar ? Oo, di kayo nagkakamali. Kamag-anak ko si Lucy De Castro. She's my cousin.

Medyo natatawa lang ako sa love life ni ate. Kaso, nakakaawa siya. Dahil kasi sa "CHARLOTTE" na yun. Di na siya nag-asawa. Akalain niyo, pumasok sa seminaryo at naging MADRE. Na-trauma kasi sa mga lalaki. Inisip niya kasing wala nang lalaking straight.

Pero ako, ayoko matulad sa kanya. Di rin naman kasi ako naniniwala sa kanya eh.

By the way, Im a 3rd year high school student na nag-aaral sa isang sikat na paaralan na exclusive for models, media men/women and etc.

Di ako naniniwala kay ate kasi mahal ko ang BOYFRIEND ko at alam kong mahal niya ako. Name niya pala is Steven Fernandez.

Kasundo niya lahat ng relatives ko at butong-buto sila sa kanya. Pati nga yung bestfriend kong si Jeremy Garcia eh buto sa kanya eh.

Mahal na mahal ko yung BF kong yun. Alam niya kasi ang mga gusto ko at ang mga hilig ko.

*************

"Mine, tara gala tayo sa mall? Samahan mo ako mamili ng gown para sa prom natin next week." Next saturday na kasi JS Prom ng school namin at kailangan kong maging maganda. Dapat lang no. Si Steven kaya ang pinakasikat na model sa school namin. Dapat kami ring dalawa ang maging King and Queen ng prom namin.

"Ikaw nalang. May laro pa kasi kami ng mga tropa ko eh. Nakabili narin naman ako ng susuotin ko. Magpasama ka nalang sa yaya niyo."

"Hahay! Sige na nga." Kahit na labag sa kalooban ko eh hindi ko nalang siya pinilit na samahan ako. Baka kasi magalit ulit sakin. Ayoko pa naman sa lahat eh magalit siya. Grabe kasi magtampo yun. Kulang nalang lumuhod ako sa harapan niya para patawarin lang ako.

Nakabili na ako ng gown na susuotin para sa prom namin. Napagod ako sa pagpili nung gown na yun. Wala kasi akong magustuhan. Naco-conscious kasi ako na baka pangit ako tignan kapag suot ko na yung gown at baka hindi magustuhan ni Steven.

(Kinabukasan)

"Mine, pasyal tayo oh? Ilang araw nadin kasi tayo hindi nag-sasamang dalawa eh. Sige na" *Puppy Eyes*

"May gagawin pa ako eh. Sunod na lang."

"Teka lang, parang iniiwasan mo naman ata ako eh?! Ano ba naman Steven Fernandez! Ilang araw na nga tayo hindi nagsasama, madalang ka na din mag-text tapos ayaw mo pa akong samahan?! Ano bang meron sayo?! Siguro may iba ka na noh?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ilang days nadin kasi kaming madalang magsama at mag-usap ni Steven. Parang lumalamig na yung pakikitungo niya sakin. Kaya hindi ko na napigilan ang bugso ng damdamin ko.

"Ano ba?! Tumigil ka nga!"

"Hah! Hindi ka makasagot? Siguro may iba ka na nga noh? Aminin mo!" My voice is full of accusation. Para kasing tama yung mga naiisip ko. Yung mga thoughts na pumapasok sa isip ko eh medyo di ko na nagugustuhan.

"Grr!" Ginulo niya ang buhok niya at tiningnan ulit ako sa mata. "Sige, gusto mo marinig ang totoo? Oo! May iba ako! Masaya ako sa kanya!" Yung mga mata niya ay nanggagalaiti sa galit. "Masaya ka na huh?! Masaya ka na ba sa narinig mo?!"

KATATAWANAN (Funny One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon