ANG BESTFRIEND KO

38.1K 567 492
                                    

Woahweh's
KATATAWANAN
presents ...

"ANG BESTFRIEND KO"

**************


Hi I'm  Lucy De Castro and this is my STORY...

I was 2nd year high school that time. Transferee ako nun sa school na pinag-aaralan ko. Nakakahiyang makisalamuha. Kaya nung makilala ko si Charles Angeles ay laking tuwa ko kasi may kaibigan na ako maituturing.

Naging magkaibigan kami at magkaklase hanggang sa nag-fourth year kami. At di ko naiwasang mahulog na sa kanya. Ang bait kasi niya sakin. Tapos ang GWAPO pa niya at MAYAMAN. Sikat din siya sa school namin.


"Lucy, alam mo bang mag-aabroad ako pagka-graduate ko."

 Nagulat ako sa mga narinig ko. Iiwan na niya ako? Parang di ko kakayanin. Di ko pa naipagtatapat ang nararamdaman ko sa kanya.


Di nalang ako sumagot, sa halip ay naging malamig ang pakikitungo ko sa kanya simula nang sabihin niya yun. Di ko parin talaga maisip kong paano sasabihin sa kanya ang feelings ko bago siya umalis.

Nung araw ng Graduation namin, nakapag-desisyon akong kausapin na siya at ipagtapat na sa kanya ang nararamdaman ko.


"Charles, gusto ko sanang malaman mo ang nararamdaman ko. Mahal na mahal kita. Noon pa."


Hindi siya sumagot ng ilang minuto. Ngumiti lang siya. 


"Alam ko, pero.. Aalis na kami papuntang States after the Graduation Ceremony."


"Hihintayin parin kita kahit gaano katagal."



Yumuko lang siya sabay talikod at naglakad palayo sakin.

(After 7 years)


Nagsend siya ng letter sakin. Sabi niya babalik na daw siya ng Philippines mamayang gabi. At ako naman,  bigla kong naalala yung mga memories naming dalawa. Bumalik yung saya na nararamdaman ko.

7:30

Nakalapag na yung eroplanong sinasakyan niya. Biglang nag-vibrate yung phone ko. May nagtext, unregistered number. 


"Lucy! Nandito na ako. Asan ka na ba?"

Nag reply ako. 



"Sino 'to?"


"Ano ka ba! This is Charles. Where are you? Im already here."

 

"Nandito narin ako. Ano bang kulay ng damit mo? Ako naka color pink ako ngayon na dress."

Nagpaganda talaga ako para naman matuwa siya pag nakita na niya ako.

Tapos bigla ulit nag-vibrate yung phone ko.


"Nakikita na kita, lalapitan na kita ahh."


Nakikita na niya ako? Pero di ko siya maaninag. Lumingon-lingon ako, pero wala parin siya. Tapos biglang may kumalabit sa likod ko..


"Lucy! Oyy. Kumusta na?"


Di ko kilala yung kumalabit sakin. Nagtataka ako. Kaya tinanong ko siya.


"Eh? Sino ka?"


"Ano ka ba Lucy! Ilang taon lang tayong di nagkita di mo na agad ako kilala? Ako 'to...."



Nanlaki mga mata ko at napatakip nalang ako sa bibig ko. OMG! Kaya di ko siya nakilala dahil sa suot niya...

Naka High-heels na kulay Blue,
naka-shorts na napaka-iksi tapos
naka t-shirt na fit na fit sa katawan niya.
Tapos ang haba na ng kulay auburn niyang buhok tapos
ang ikinagulat ko pa, may BOOBS na siya!


"Ako 'to Charles Angeles o mas kilala na ngayon sa pangalang, Charlotte."


Halos sumayad na sa lupa ang baba ko. Nakanganga lang ako sa kanya. Gulat na gulat. 
 


Yung lalaking kinababaliwan ko noon, mas natalbugan pa ang BEAUTY ko ngayon.

THE END.

******

HAHAHAHA !

Comment and VOTE narin :) 

KATATAWANAN (Funny One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon