Chapter 1

39 2 0
                                    


Lagpas na sa alas diyes nang makarating si Zena sa coffee shop kung saan siya nagta-trabaho. Isa't kalahating oras ang kanyang binyahe dahil nagmula pa siya sa kabilang lungsod. Mabuti na lang din at walang traffic, dahil higit pa do'n ang oras na gugugulin niya pag nagkataon.

"Magkano yung sinahod mo?" Mataray na tanong sa kanya ni Rebecca, ang inggitera at pakealamero niyang katrabaho.

"Seven thousand." Tipid na sagot niya nang hindi ito nililingon at patuloy lang sa pag-aayos ng mga gamit sa kanyang locker.

Sa lahat ng uri ng tao, mga taong tulad ni Rebecca ang pinaka-iniiwasan niya. Mapa-school man o sa trabaho. Mga taong toxic kung tawagin. Kaya sinagot niya agad kung ano ang tinatanong nito para manahimik na.

"Sana pala lagi na lang din akong late--- halos parehas lang din naman tayo ng sinasahod e."

Napa-irap si Zena sa kawalan dahil sa kakitiran ng utak nung babaeng nasa likuran niya. Madami na nga siyang pinoproblema 'tas dumadagdag pa ito sa sakit ng ulo niya. Sinara niya ang pinto ng locker niya at hinarap si Rebecca. Nakita niyang nakahalukipkip ang mga braso nito sa dibdib at nakataas ang isang kilay na mukhang ginuhitan ng sobrang diin.

"Ikaw," sabi niya at walang buhay na itinutok ang hintuturo dito. " On time ka nga lagi pumasok pero yung utak mo parang wala naman sa trabaho. Hindi mo ba nakikitang ibinabawi ko naman sa OT yung oras na hindi ko napasukan?"

"Wow! Sadyang makapal talaga 'yang mukha mo 'no? Sabagay, malakas ka kasi kay Madam, kaya malakas yung loob mo na kung anong oras mo gustong pumasok, do'n ka lang papasok."

Napa-iling na lang si Zena at pilit na pinapakalma ang sarili. Ito ang rason kung bakit iniiwasan niya ang mga taong gan'to. Biniyayaan ng utak pero hindi naman ginagamit.

"First of all, alam ni Madam na working student ako. Try mo kasing mag-aral para makarelate ka hindi yung nangengealam ka sa buhay ng may buhay." Tugon niya sa katrabaho at binigyan ng pilit na ngiti. Tulad niya'y naglayas din daw si Rebecca, ayon kay Matt, isa rin niyang katrabaho. Hindi na raw ito nag-aaral simula ng lumayas ito 'tas yung sinasahod niya dito sa coffee shop ay winawaldas lang nito sa mga bisyo.

Iniwan niya si Rebecca sa locker room nila. Pulang-pula ang mukha nito at kulang na lang nga'y may lumabas na usok sa ilong nito. Hindi pa 'man siya nag-uumpisa sa trabaho, pero pakiramdam niya'y pagod na agad siya dahil sa pakikipag-talo niya rito.

Mabilis na lumipas ang anim na oras na ginugugol ni Zena sa kanyang trabaho sa 24hrs Cafe. Tulad ng pangalan nito'y magdamag nga itong nakabukas. Nauna ng umuwi sila Matt at Rebecca dahil hanggang alas diyes y media lang sila. Dapat ay ganoong oras din ang uwi niya, ngunit nakipagpalit siya ng oras sa isang katrabaho.

Nag-out si Zena sa kanilang log book, pagkatapos ay pumunta siya sa locker room para kunin yung bag niya.

Madilim pa ang kalangitan nang lumabas siya sa 24hrs Cafe dahil 4:30 pa lang ng umaga. Dumiretso siya sa sakayan ng tricycle na katabi lang ng naturang Cafe na nasa kaliwang bahagi nito.

"Kuya, sa Fidela's lang po."

Kung tutuusin ay pwede niyang lakarin ang pauwi sa apartment niya, kaso delikado at ayaw niya pang mamatay. Sagana naman sa poste ng ilaw ang paligid, subalit kapag ganito kaaga'y wala pang masyadong tao sa daan. Nadala na din siya, dahil nung bago pa lang siya sa lugar na 'to ay muntik na siyang mahold up. Mabuti na lang ay nasaktong may dumaan na isang mobil ng pulis.

Isinuksok niya ang susi sa doorknob ng pinto ng kanyang apartment at marahan itong pinihit. Kung siya ang papipiliin, mas gugustuhin niyang nandun siya sa school o coffee shop kaysa umuwi sa kanyang apartment.

Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon