Chapter 2

29 1 0
                                    

"Pen! Tara na!"

"Wait lang!" Sigaw pabalik sa kanya ng kaibigan.

Tumungo si Zena sa kanyang kwarto upang silipin kung ano ang ginagawa nito. Nakita niyang nasa tapat ito ng salamin at kakatapos lang na maglagay ng lip tint.

"Let's go to the grocery," nakangiting sambit ni Penelope, dahilan upang mas lumutang ang mataas na cheekbones nito.

Sinigurado ni Zena na maayos ng naka-lock ang pintuan ng kanyang apartment. Ilang beses niya itong pinihit ng pabalik-balik. At nang makasigurado na'y nagpasiya na silang umalis.

Sumakay sila ng jeep papunta sa grocery shop. Ito ang unang beses na namasahe sila papunta rito, dahil hiniram ng kuya ni Penelope ang kotse nito at hinatid lamang nito ang kapatid sa kanyang apartment.

Pagkarating nila sa grocery shop ay binulaga sila ng pagkarami-raming tao. Karamihan ng tao ay walang pasok lalo na't kapag araw ng linggo, kaya katulad nila'y sinasamantala na din ng mga ito ang pagkakataon upang makapamili.

Kumuha sila ng isang cart. Kinukuha lamang niya ang mga mahahalaga at kailangan, dahil naka-budget na kung magkano lang ang dapat niyang gastusin. Samantalang si Penelope naman ay lagay lang ng lagay ng kung ano ang magustuhan nito. "Ako ang magbabayad n'yan," ang palagi nitong sambit.

Matapos nilang makuha ang lahat ng dapat bilhin at lahat ng magustuhan lang ng kanyang kaibigan ay naghanap na sila ng pilang hindi gano'n kahaba. Ngunit nabigo sila, dahil lahat ay mahaba at karamihan pa'y dalawang punong cart ang dala. Idagdag mo pa ang napakabagal na kahera at kakulangan nito sa mga bagger.

"Aabutin tayo dito ng siyam-siyam," sabi ni Zena habang ipinupwesto sa pila ang dala nilang cart sa tapat ng kaherang may nakasulat na "cashier 3" sa bandang itaas nito.

"Sa jollibee na lang tayo kumain ng dinner?" Suhestiyon ni Penelope.

"FYI, wala kang dalang kotse. As if naman na mabuhat natin lahat to."

"Oo nga no... kakalbuhin ko talaga 'yang si Timothy pag hindi n'ya binalik yung kotse mamaya," nakasimangot na sabi ni Penelope.

Napabuntong-hininga si Zena habang tinatanaw ang kahabaan ng pila mula sa cashier hanggang sa kinaroroonan nila. Sa bilang niya'y nasa anim na cart pa ang nakapila sa harapan nila bago sila makapagbayad.

Nakita niyang tahimik na nagce-cellphone si Penelope kaya kinuha niya na rin ang kanya sa loob ng dala niyang sling bag.

Binuksan niya ang tanging social media account na meron sa kanyang cell phone, ang twitter.

Oo, wala siyang facebook.

Naka-deactivate na ang account niya rito dalawang taon na ang nakalilipas.

Walang nakakaalam ng account niya sa twitter kahit na si Penelope. Dito niya sinasabi ang mga salitang hindi niya mabanggit sa pamamagitan ng kanyang bibig at lahat ng hinanaing niya sa buhay. Quota na sa mga ito ang kanyang kaibigan kaya minabuti n'yang wag nalang itong ipaalam dito.

Ang twitter ay 'di tulad ng facebook para kay Zena. Sa twitter, malaya kang makapagsasabi o makapagpapahayag ng damdamin at kung ano mang gusto mong sabihin nang walang pag-aatubili. Hindi tulad ng sa facebook na--- oo malaya ka rin namang magpahayag ng kung anong gusto mo, subalit sa sobrang dami na ng mga taong naroon, na karamihan pa'y kakilala o kapamilya mo, syempre hindi maiiwasan yung pag-aalinlangan.

"O...M...G..."

Ibinaling ni Zena ang kanyang atensyon kay Penelope. Nanlalaki ang mga mata nito at nakatakip pa ang isang kamay sa bibig, tila ba hindi ito makapaniwala sa kanyang nakikita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Troubled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon