One
---
“Hoy Virgi! Kong hindi kayo magbabayad ng rinta nyo deto paaalisin ko na talaga kayo”
“Parang awa mo na Manang Eslat. Magbabayad na talaga kami netong kaibigan ko. Bigyan mo lang kami ng isang buwan”
“Abay, Eto na ang huling paluget nyo. Kapag hende pa kayo nakapagbayad sa esang bowan sosongalngalen ko kayo!” sabay alis nya sa bahay.
“Bilis isarado mo na. Mabugahan pa tayo nyan.” Natawa naman ako sa utos sa akin ng bakla kong friend. Yes you heard it? Charot. Paano ba naman halos lumabas na ang Lungs nya kakasigaw, mamaya mahimatay pa kami pag nakita namin yung maitim nyang Lungs. Yikkkksssss.
“Bakla, Paano na to?”
“Ayy, wala din akong alam. Pero kung pwede magtrabaho nalang tayo.”
“Oh, Saan tayo makakahanap?”
“Oo nga noh?” Binatukan ko nga, ayan pa iniisip nya, ni hindi nga ako nakatapos ng pag aaral tapos mag hahanap pa ako ng trabaho? Sya pwede pa kase nakatapos naman yan ng Highschool pero wag ka, magaling yan mag English. Ayun nga problema ko pag nagagalit yan umaariba na English nyan kaya wala akong maintindihan sa kanya. Kaya amoy na amoy ko yung hininga nyang, parang wifi. Abot hanggang kapit bahay. Kalerki. Ne ako nga hanggang grade one lang inabot ko. Syempre, mahirap ang buhay. Kaya dina ko nakapag aral. Mas inuna ko yung paghahanap ng pera.
Umupo na lang ako sa upuan na nakaharap sa lamesa kase sobra na talaga akong napapagod ngayong araw para lang makakuha ako ng pagkain naming netong bakla na toh, at higit sa lahat najujutombs na akiz, ditis sa eking pwesto.
Magpakilala nga muna ako. Ako pa nga pala si Ma.Virginia Mercedes Oh, diba kaparehas ko ng apelyido yung pangalan ni Mercedes sa ano bang channel yun? Hmmm! Ayy, hindi ko alam kase nakikinuod lang ako sa kapitbahay naming na sobrang layo Milya sya.Totoo pramis.
Naglalakad pa ako ng mahigit 30 minutes bago makapunta kina bebang ang kaibigan ko ring, maitim ang ngalangala kung makapagsalita. Sarap hugtin hanggang lahat ng organ nya lumabas na e.
tapos kapag manunuod ka naman may bayad ng llimang piso kada roas, diba sosyal lang.
Okay.
19 na taong gulang hindi na nag aaral na kakasabi ko pa nga lang na hanggang grade one lang ang natapos ko. Magulang, wala na sila namatay sila dahil sa sakit si nanay namatay dahil sa Leptospirosis si tatay naman sa diabetes wala kaming pera pampaospitalsa kanila, hanggang medic lang kami. Dahil dun libre. At yun lang kaya naming. Kaya ayun. Goodbye kay mama’t papa.
At ayun na ang pagpapakilala ako. Tapos. Tuldok. Sara. Kuha susi. Kain susi. Tapos. Buti nalang talaga ako si Darna, kaya hindi ako nabibilauka sa susi. Ahihihhih. Ay, sandali may kaibigan pa pala ako na isang masugid na lalaki este babae (Feelingera) at matapang na bakla na si *Tentenenenenenen* Gregorio Pautez Jr. Ang pinakamamahal kong kaibigan *Bowwwwwwww!* Wag nyo na akong tanungin sa mga Characteristics nya, sya na lang tanungin nyo. Boring po mag type.
“Saan tayo kukuha ng pera? Bakla tulungan mo ako.” Prustasyon na tanong ko kay Gregorio.
“Alam mo bang mawawalan tayo ng tirahan Gregorio?” Hindi parin ako pinapansin.
Pero wala kase nakatingin nanaman kase sya kay Enrique Gil na naka topless na dinikit nya katabi ng radio namin. Sabi nya para daw hindi ako maboring sa bahay, may matititigan akong malapandesal at mistisong artista na ‘toh. Hindi ko sya kilala kase nga hindi naman ako nanunuod masyado ng Telebisyon, pero nahuhumaling ako sa kanya. Gwapo kaya, tapos nakakadik pa angkanyang maputing kilikili, na alam kong mabango. Hmmm. Sarap dilaan. Charrr.
BINABASA MO ANG
Ms. Probinsyana Meets Mr. Kano
Teen FictionYung pagtagpuin ng landas ang buhay niyo. At ang mas matindi dun, mag-kaiba kayo ng country. yes! sya po si Virginia ang probinsyana at si Kano-- Christoper Scott. ano nang mangyayare kapag naglandas ang mundo nila? may mabubuo bang Love? or Mouth O...