Panimula

22 5 0
                                    

Naranasan mo na bang malayo sa pamilya at kaibigan mo? Naranasan mo na bang gumawa ng desisyon na kahit ayaw mo, gagawin mo. No choice kumbaga. Yung gagawin mo lamang ito dahil para sa ikakabuti mo?

"Dalawang pasahero nalang at bibiyahe na tayo"

Ilang minuto na nga lang at aalis na ang bus. Mahaba-habang biyahe ang aking mararanasan. Ito ang unang biyahe ko na aabutin ng 9 hours. Ito rin ang unang beses na malalayo ako sa mga mahal ko sa buhay.

"Okay kumpleto na, aalis na tayo"
sabi ng konduktor at nagsimula na ngang umandar.

Habang bumibiyahe, naisipan kong makinig ng music. Sinalpak ko na ang earphone sa aking cellphone.

Farewell to you my friends

We'll see each other again

Don't cry 'cause it's not the end of everything

I may be miles away

But here is where my heart will stay

With you, my friends with you 🎶

Ganito pala pakiramdam ng malalayo ka sa pamilya at mga kaibigan mo. Yung feeling mo kulang ka kapag wala sila. Feeling mo hindi mo kaya mag isa. Hindi mo kaya kapag wala sila.

Hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako. Mala gripo na ang aking mata sa kakaiyak. Ang sakit sakit lang kasi. Kung may choice lang sana akong tumanggi pipiliin kong mag stay kasama sila. Pero wala eh, para rin ito sa ikakabuti ko.

"Miss gising na po, kain na po muna kayo. Bus stop po." Gising sa akin ng konduktor.

Nakatulog pala ako. Hindi ko namalayan. Ang sakit ng mata ko. Feeling ko pulang pula ito dahil sa kakaiyak ko kanina. Naramdaman ko na rin ang gutom kaya nagpasya ako na bumaba na sa bus para kumain.

Pagkatapos ko bumili ng pagkain, bumalik agad ako sa bus. Takot kasi ako na maiwan ng bus. Lalo na at first time ko ito. Hindi ako familiar sa mga lugar.

My Adventure, A Beautiful DisasterWhere stories live. Discover now