Alegria National High School
Ito na nga. Ang unang araw ko sa skwelahan. Kasabay ko ang isa kong pinsan na si Richard. Parehas kaming Grade 11. Si Richard ang pinaka close ko sa kanilang apat na magkakapatid. Bata palang kami, lagi kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan ang classroom ko. Hindi ko alam kung mababait ba ang magiging kaklase ko or susungitan ako.
Pagkadating namin sa school, pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Nahihiya ako sa kanila kaya hindi ko sila matignan. Hindi ko alam kung ano iniisip nila tungkol sakin.
Nang nakarating na kami sa Grade 11 Building, hindi namin alam kung saan ako naka room. Kaya for the pete's sake, nagtanong ako. Kahit nahihiya ako sa kanila.
Ako: "Pwede magtanong? Saan ang room dito ng Grade 11 ABM? Transferry kasi ako."
Student: "Ahm doon sa 3rd to the last room sa last building."
Ako: "Ahh okay. Salamat."
Pagkadating ko sa sinabing classroom, naabutan ko sa labas ang mga estudayanteng nag wawalis. Siguro ito ang mga kaklase ko.
Ako: "Hi! Dito ba yung classroom ng Grade 11 ABM? Transferry kasi ako. By the way, I'm Stacey Rodriguez."
Girl 1: "Oo dito nga. Ako nga pala si Althea Santos. Tara, ipapakilala kita sa mga kaklase natin."
"Hi girls, this is Stacey Rodriguez. Our new classmate. Transferry."
Our conversation end when our teacher came.
Sa ilang oras ko nakasama mga kaklase ko, may naging kaibigan agad ako. Sila Angel, Beatrix, at Namie. Sila ang nakasama kong mag recess at mag lunch.
Hindi ko naramdaman na hindi ako welcome dito. Ang saya nilang kasama. Nagkwento sila about sa buhay nila. Ang babait pala nila.