SANA

638 35 25
                                    

Naranasan mo na bang maglakad sa hallway na may nakakasalubong na magjowa? Naranasan mo na bang makisabay sa mga barkada mong halos lahat may jowa maliban sa'yo? Hay naku! Ako? Oo, palagi 'yan sa paligid ko.

My life as an NBSB started like this: Mayroong activity sa school namin, it was a preparation para sa isang stage play and knowing na magaling ako sa acting, so, isa ako sa mga sasalang sa entablado.

But before that, bago ako mapili ay talaga namang nakuha ko pang laitin ang play dahil nga masama ang loob ko na hindi nakuha, sadyang pinangunahan ko lang naman 'yong destiny. Ang nas masaklap pa doon ay narinig ng adviser ko 'yong panlalait na ginawa ko, nahiya tuloy ako, kasi naman 'yong principal namin na gumawa ng script ay nanay niya. What the hell!

So, ayon nga, everyday kami nagpa-practice para sa play na gaganapin sa Disyembre 19 at 20 ng gabi. Noche Buena ang title ng play. It's about the two lost children. Basta, hindi ko pa na-gets 'yong story.

And sa kabutihang palad, this stranger young man ang gaganap doon sa isang bata sa story. Hindi ko siya kilala kahit na schoolmates kami, aba malay ko bang uso magpakilala!

One afternoon, nasa assembly kaming mga casts, Office of the Principal to be exact. Magpa-practice kami para sa pangkalahatan. By the way, gaganap pala ako as Goring. Isang balimbing na chismosa. Gusto ko naman 'yong posisyon ko kasi humor siya at hindi mahirap i-act. So, nagsimula na nga ang practice hanggang sa uwian na. Iilan lang ang ka-close-san ko sa mga casts, ilan sa kanila ay classmates ko.

The next day, talagang puspusan na ang practice kasi dalawang tulog na lang.

Nasa may sulok ako nakaupo, dito pa rin sa loob ng office kami nagpa-practice. Hinihintay ko 'yong line ko. Walang ka-alam-alam na nasa tabi ko na pala siya. Dahil nga hindi ko siya close ayon ini-snob ko siya.

Nakahawak ako sa bond paper na hawak ko at nakatuon doon ang atensyon ko. I need to memorize my line, sabi ng principal sa amin upang hindi namin malimutan kapag nag-dub na kami. Hanggang sa may humawak sa right hand ko at ibinaba ang kamay ko na nakahawak sa bond paper.

Rason upang makita ko ang mukha niya, ang maamo niyang mukha, ang rason ng pagbagsak ko sa huli, ang ngiti niyang pinalalambot ang puso ko at ang magaan niyang boses.

"Hi." bati niya sa akin at pinakita ang dimple niya na sinabayan ng matamis niyang ngiti. Sana noong una pa lang ay iniwasan ko na itong ngiti niya. Sana.

Pagkaraan ng ilang oras ay naging close na kami, hindi sobra kundi sakto lang. Dahil nga wala akong alam sa love, siya ang nag-explain para sa akin. Tinanong ko kung bakit niya ginagawa 'yon kaso nagkibit-balikat lamang siya. Nahuhuli ko ring nakatingin siya sa akin, hindi ko maiwasang mapatanong sa sarili kung bakit siya naging ganoon bigla.

Kinahapunan, nasa may sulok na naman ako at busy na nagme-memorize ng lines ko dahil marami-rami rin ito. Nandito na naman siya sa tabi ko. Kung wala lang 'yon para sa kanya puwes big deal sa akin ang paglalalapit niya sa akin. Pero dahil nga close na kami, why bother asking? So nagkibit-balikat ako.

Natapos ang practice namin sa oras na alas cuatro y media. Lumabas na ang ibang casts at nahuli ako dahil inayos ko pa ang mga gamit ko. Paglabas ko nang office ay himalang nasa may tabi siya ng pintuan at nakasandal na akala mo may hinihintay dito sa loob.

Tumayo siya ng maayos nang makita ako at nag-wave pa ng kamay saka na naman ngumiti. 'Yong nakakatunaw.

Tinanong ko siya kung bakit pa siya nandoon, kaso hindi niya ako sinagot, sa halip ay nagkibit-balikat lang siya saka lumapit sa akin at tinanong kung aalis na ba ako, so, sinabi kong pupunta ako sa klase, isusuli ko lang 'yong libro na hiniram ko sa kaklase ko kaso nabigla ako nang mag-alok siyang sasamahan niya raw ako. Napa-pause pa nga ako doon at kumurap ng ilang beses.

Sana [✓] (Compilation Of Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon