"P'wede bang humiling ako sa panghuling pagkakataon?" she asked as she lays her head on my shoulder.
"Sure," I smiled at her and watched her closed her eyes.
"Don't leave me alone," sinabi niya 'yon habang nakapikit ang mga mata, nakangiti siya habang sinasabi iyon.
"I'm not going anywhere, so, rest, you need to rest," sagot ko, lumaylay ang balikat ko nang marinig ang malalalim niyang hininga. Itinago ko ang sakit na nadarama dahil ayaw niyang nakikitang naaawa ako sa kanya. Sa kalagayan niya.
"I have been resting for my entire life and still, heto pa rin ako," hindi ko nahimigan ang pagkasarkastiko roon maliban sa pagiging positibo niya.
"Don't say that, every day is a blessing for us, for me, dahil lumalaban ka pa rin," nagbabadya ang luha sa sulok ng mga mata ko.
Umangat ang mukha niya upang tingan ako at agad ko siyang siniil ng halik upang itaboy ang takot sa kalooban ko. Maliban sa paghinga niya, ang matinis na tunog ng aparatus na nakakabit sa kanya ang isa pang naririnig ko. Napapatangis akong palihim habang nakikita ang bonnet sa kanyang ulo.
"Merry Christmas, babe," hindi ko napigilan ang luhang dumausdos sa pisngi ko at mapait siyang tiningnan, kagat-kagat ang labing pinipigil sa pag-iyak.
Ang bigat sa damdamin.
"M-merry Christmas, babe, being you here is enough for me, your presence is enough for me to be your gift," abot langit ang ngiti sa kanyang labi habang nagpipigil ako sa aking hinanakit.
This is her 25th birthday so far. Napakahaba na ng inilaban niya para sa karera ng buhay niya laban sa kamatayan. And I should be proud of that! She's strong and I'm not. Hindi ko kayang tingnan siyang naghihirap.
"I'm sleepy," she uttered as I hear a sudden sigh.
Lumalabo na naman ang paningin ko dahil sa sinabi niya. Alam kong walang kasiguraduhan. Dahil bawat araw ay nangangamba ako na maaaring hindi siya magising. Natatakot akong isang araw ay panghabang-buhay na siyang pipikit.
"Don't cry, babe, matutulog lang ako," she smiled bitterly. Kitang-kita ko ang paghihirap niya sa kaloob-looban niya.
"I'm s-sorry," humikbi ako. Pinupunit ang puso ko, hindi ko matanggap ang lahat kahit na ang tagal naming nagsasama.
Gusto kong sumigaw, gusto kong magmakaawa, gusto kong humiling, gusto kong ako na lang ang nasa sitwasyon niya. Ako na lang sana 'yon.
"Goodnight, then," sabi ko.
"I love you," hindi ko inaasahang mag-crack ang boses ko, muling tumulo ang luha ko at iniwas iyon sa paningin niya.
Love is everything. Love is for everyone. Hindi ko kinukwestyon ang pagmamahal na natatamasa ko ngayon dahil I am very thankful dahil hindi lang saya ang naibigay nito sa akin. Sakit, pang-unawa, pang-intindi at pagmamalasakit. Iyon ang natutunan ko habang minamahal ko ang kaisa-isang babae na tumapak sa buhay ko.
Kinabukasan ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi siya nagising. Tinupad niya ang sinabi niyang, matutulog lang siya. Hindi mahinto ang pag-iyak ko habang naghihintay sa may waiting area. Inilabas ko mula sa aking bulsa ang isang maliit na box na kulay pula.
Tapos kinapa ko ang kabilang bulsa ko nang maramdamang may card doon. Kinuha ko iyon at muling bumugso ang luhang pinipigalan ko.
"Ibigay mo 'yan sa babaeng magmamahal sa'yo at makakasama mo habang buhay, mahal na mahal kita. Paalam."
Tinakpan ko ang bibig ko at pinigil ang malalakas na paghikbi habang tinitingnan ang card at ang box na kulay pula na naglalaman ng singsing na dapat ay ibibigay ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sana [✓] (Compilation Of Short Stories)
Short StoryNBSB Nagka-crush Na-fall slash Na-inlove Umasa Then suddenly, na-friendzone Tapos ngayon, nangangako na na never nang magmamahal pa. Period! --completed-- ©2018 02/14/18