Chapter 2

4.2K 137 3
                                    

Chloe's POV

Kinabukasan

Maaga akong nagising dahil may trabaho pa ako ngayon.Nagprito lang ako ng itlog para pang-agahan ko.Dahil maaga pa naman, kinuha ko muna ang walis tingting tsaka ako nagwalis sa harap ng bahay.Pumasok sa isip ko ang sinabi ng mama ni Sophie sakin kaya napatingin ako sa katapat ng tinitirhan ko. Madilim sa ikalawang palapag at ganon rin sa unang palapag,parang walang naniniragan. May gate ang harap ng bahay at buhay na bermuda grass ang nakapaligid sa kabuuan.

"Brua,anong tinitingnan mo dyan?"tanong ni Sophie kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga dahong nakakalat dahil sa punong tanim ng kapit-bahay.

"May nakatira dyan,mahilig lang talaga siya sa dilim"aniya niya na naupo pa sa harap ng pintuan.

Itinapon ko naman sa sako ang nahakot kong basura.

"Beks,bantayan mo uli tong bahay"sabi ko sakanya.

"Sure,may pasalubong naman ako mamaya diba?"tanong niya kaya natawa ako.

Tumayo siya tsaka niya ako pinadaan at sumunod sakin.

"Tatlong itlog maalat beks"sabi ko sakanya.

"May itlog na ako,may hotdog narin,pancit canton nalang brua,yong kalamansi para masarap"aniya niya kaya nagkatinginan kami sa isa't isa at sabay na humagalpak ng tawa.

"Letce ka!"sigaw ko sakanya sabay hampas sa braso niya,patuloy parin itong tumatawa.

"Maliligo lang ako"paalam ko sakanya at kinuha ang twalya bago pumasok sa banyo.

"Brua, dalian mo lang,ikukuha na kita ng tricycle sa labas!"sigaw niya,hindi ko na siya sinagot pa dahil alam kung kumakaripas na yon ng takbo.Kabayo eh.

Nagblack pants at black T-shirt akong papasok pero dala ko parin lagi ang uniporme ko sa trabaho.Buti nga at maaga akong natanggap ng restau'ng yon,dahil sa ngayon ay mahirap nang maghanap.Mayayaman rin ang karamihang nakatira dito sa mga kalapit bahay namin.

"Thank you beks"sabi ko sakanya at nagpaalam na at sumakay ako sa kinuha niyang tricycle.

Harry's POV

"Sonny"tawag ko sa baklang nakatira dito. Pinagbuksan naman ako kaya pumasok nalang ako.

"Pwede bang sa labas nalang tayo mag-usap?" nanginginig na tanong niya kaya ngumisi ako.

"Wala akong balak magtagal"nakangising sagot ko skaanya at dumiretsong naupo sa upuang kahoy nila.

"Gusto ko lang malaman lahat tungkol sa kaibigan mo"prenteng usisa ko habang nakapatong ang paa sa maliit na mesa.

Ewan ko nga kung bakit may nakursunada na naman ang lokong yon,kararating lang galing America eh.

"P-pangalan niya lang ang alam ko"utal na ani nito na halos pumipiyok-piyok pa,hindi ko nalang pinansin yon at ibinaba ang paa at umayos ng upo.

"Do you know me,Am I right?I can kill you everytime I want"seryosong sabi ko sakanya na ikinaputla niya,wala itong nagawa kundi ang magulat nalang nang tutukan ko siya ng baril.

Fall In Love With A Gangster PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon