Tula Para Kay NDCM

542 11 0
                                    

Dumating ka sa buhay ko ng biglaan
Nang hindi inaasahan
Na hindi ko namalayan
Dahilan ka na ng aking kaligayahan

Sa isang sulyap mo
Nahumaling ako
Sa isang ngiti mo
Nahulog ako

Hindi ko alam kung paano
Basta isang araw napagtanto ko
Na mahal kita
Walang halong biro

Hindi ko rin alam kung gaano
Basta ang alam ng puso ko
Mahal kita
Sobrang wagas, hanggang dulo

Kaya huwag kang magmadali
Huwag ka munang mamili
Sa mga sagot na 'Oo' at 'Hindi'
Mga salitang bibigkasin ng iyong mga labi

Dahil handa akong maghintay
Hawakan mo lang aking kamay
Sabay tayong maglalakbay
Kasama ang Diyos na ating gabay

Sinasabi ko lamang ito
Upang malaman mo
Na nandito lang ako
Hanggang sa dulo para sa iyo

At sinta pagkatandaan mo
Sa iyo lamang ang puso ko
Walang kulang, buong-buo
Mahal, sa iyo lamang ako.

Mendoza x Faulkerson: One ShotsWhere stories live. Discover now