Rewrite the Stars

570 17 2
                                    

A/N: triggered ako sa announcement ng EB na gaganap as Zac and Zendaya ang AlDub. Oo, inisip ko agad na kakantahin nila yan bakit baaaaa.

So imagine, habang kinakanta nila yan, eto yung nasa isip nila.

#FICTION

PS: Hirap talaga ako kay Meng kapag sa gantong format. Ewan ko ba hahaha. So baka naging sabaw na to pasensya na ✌

ALDEN

🎶 You know I want you, it's not a secret I tried to hide... 🎶

Gusto kita. Mahal kita. Alam mo yan. Hindi ko naman yan tinago; pinaramdam ko agad sa'yo nung nagkaroon ako ng pagkakataon, nakita yan nang lahat ng tao. Sinabi ko sa'yo nung sigurado na'ko; sa likod ng camera, gamit ang totoo kong pagkatao.

🎶 I know you want me, so don't keep saying our hands our tied... 🎶

Alam kong gusto mo rin ako. Ramdam ko yun; pinaramdam mo sa'kin yun sa paraang alam mo. Pero may pag-aalinlangan ka. May takot. May duda.

🎶 You claim it's not in the cards but fate is pulling you miles away and out of reach from me... 🎶

Nang dahil sa takot at pag-aalinlangan mo, nagdadalawang-isip ka. Paano kung hanggang dito lang pala? Pinagtagpo pero hindi itinadhana? Nang dahil sa takot at pag-aalinlangan mo, unti-unti kang lumalayo, minsan hindi na kita maabot.

🎶 But you're here in my heart so who can stop me if I decide that you're my destiny? 🎶

Pero mahal kita, kaya kahit mahirap, kahit maraming pumipigil, kahit maraming nagsasabing kailangan ko nang tumigil, hindi ko ginawa. Dahil sino ba sila para sabihing hindi tayo ang itinadhana?

🎶 What if we rewrite the stars, say you were made to be mine? Nothing could keep us apart, you'd be the one I was meant to find. It's up to you and it's up to me, no one can say what we get to be. So why don't we rewrite the stars? Maybe the world could be ours tonight. 🎶

Kaya huwag na nating hintayin ang plano ng tadhana. Tayo na ang kumilos, tayo na ang gumawa ng kapalaran nating dalawa. Ikaw at ako. Tayong dalawa lang. Bumuo tayo ng mundo kung saan walang mangingialam. Bubuo tayo ng mundo na tayo lang ang may alam.

MAINE

🎶 You think it's easy? You think I don't wanna run to you? 🎶

Hindi madali. Ang dami na nating hinarap, madami na tayong pinagdaanan, lahat 'yon nalagpasan nating dalawa pero hindi pa rin madali. Sa'ting dalawa, ako ang mas hirap. Gusto kong pumunta sa'yo, gusto kong tumakbo palapit sa'yo pero hindi ko magawa.

🎶 But there are mountains and there are doors that we can't walk through... 🎶

Hindi ko magawa kasi ang daming nakaharang. Ang daming pumipigil, ang daming humahadlang.

🎶 I know you're wondering why because we're able to be just you and me within these walls... 🎶

Nakakagulat na sa dami ng nakapaligid sa'tin, nagagawa nating magsarili. Nagagawa nating magkaroon ng sarili nating mundo sa harap ng mga mapag-intindi at mapanghusgang tao.

🎶 But when we go outside you're gonna wake up and see that it was hopeless after all... 🎶

Pero sa labas ng sarili nating mundo, sa mundo na ikaw lang at ako, ay ang katotohanang marahil ang sinusubukan nating isulat na kapalaran ay wala namang patutunguhan.

🎶 No one can rewrite the stars, how can you say you'll be mine? Everything keeps us apart, and I'm not the one you were meant to find. It's not up to you, it's not up to me. When everyone tells us what we can be. How can we rewrite the stars? Say that the world can be ours tonight. 🎶

Siguro nga hindi natin kayang baguhin ang kapalaran. Siguro nga hanggang dito lang tayo; dalawang taong pinagtagpo pero hindi itinadhana. Dahil paano? Paano tayo makakabuo ng isang masayang mundo kung ang daming harang? Kung maraming hadlang? Kung maraming tao ang nagdidikta kung anong nararapat sa'ting dalawa?

ALDEN & MAINE

🎶 All I want is to fly with you. All I want is to fall with you. So just give me all of you. 🎶

Ang gusto ko lang naman ay ang makasama ka. Gusto ko lang na mahulog sa'yo. Gusto ko lang na mahalin ka ng buong-buo.

MAINE

🎶 It feels impossible 🎶

Pero parang imposible.

ALDEN

🎶 It's not impossible 🎶

Hindi naman imposible.

MAINE

🎶 Is it impossible? 🎶

Imposible nga ba?

ALDEN & MAINE

🎶 Say that it's possible 🎶

Posible. Posible ang lahat.

🎶 How do we rewrite the stars? Say you were made to be mine? Nothing can keep us apart, cause you are the one I was meant to find. It's up to you, and it's up to me. No one can say what we get to be. Why don't we rewrite the stars? Changing the world to be ours. 🎶

Tayo na, tayo na ang gumawa ng sarili nating kapalaran. Wala nang makakapigil saatin, wala nang makakapagdikta saatin, dahil ikaw at ako. Ako at ikaw. Tayong dalawa lang. Kaya tayo na ang susulat sa kapalaran nating dalawa, ipapakita natin sa mundo na tayo ang para sa isa't isa.

Mendoza x Faulkerson: One ShotsWhere stories live. Discover now