Bumaba nako ng bus, nasa Maynila nako sa wakas. Grabe nakaka pagod at nakaka hilo sa bus na yun sobra >_< Naglakad lakad muna ako para humanap ng makakainan. Hindi ako ignorante, kahit sa probinsya ako lumaki ay may pinag aralan naman ako .. Magiging isa na akong manager ni.... sino nga yun ? hmmm .. aha!! Ni Mr.Stefan Cruz!! Hindi ko pa sya nakita kahit isang beses at wala akong litrato nya kaya mukhang mahihirapan akong hanapin sya . Mukha pa namang malaki ang maynila >_<
Nang may nakita na akong karenderya ay pumunta agad ako roon at kumain ...
Bruupp!! Wooo in pernes ang sarap ng mga niluto ni ate tindera ^^ Nabusog talaga ako ^^
Matapos kong kumain ay nagsimula na akong mag lakad. San kaya ako mag sisimula ? tinignan ko yung papel na may adress ni Mr.Cruz....Street Overload Cookies and Cream, Rocky Road City. Whew ang taas lang ng adress ei !pero ang yummy, siguru yummy din ang mga nakatira roon *o*
May nakita akong isang lalaki na may edad na,ato nilapitan ko ito.
"Kuya alam nyo ba kung saan ang Street Overload Cookies and Cream, Rocky Road City.?" magalang kong tanong rito
"Oo iha.. Malapit lang yan dito. Sumakay ka ng pampasaherong jeep papuntang Magnum Street tapos sumakay ka ng traysikel, sabihin mo sa Oreo ang punta mo. Pag karating na pagkarating mo roon may dalawang eskinita ka pag lalakarin at pagkatapos ay makikita mo rin ang Street Overload Cookies and Cream na hinahanap mo" Mahabang salaysay ni kuya .. Grabe sarap sabihan ni kuya na Ang lapit nga po kuya.. tch -_- Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyu na may pagkamaldita rin ako .. Pero syempre magalang rin ako kahit papaano ^^
"Ahh .. Maraming salamat po.. Alis na po ako " nakangiti kong sabi
"Sige. mag iingat ka iha"
"Sige po"
Nginitian ko nalang ito ulit at nagsimula nang maglakad sa sakayan ng jeep .. Nang marating ko na ang Magnum Street ay sumakay nako ng traysikel .
"Kuya sa Oreo po" sabi ko rito at nag bayad na . tumango ito bilang sagot .. Hindi umabot ng limang minuto ang byahe .. bumaba nako at nagsimula nang maglakad.. Matapos ang nakakapagod na lakaran ay nakarating rin ako .. Pero hindi ko inaasahan na sa Village pala ang bahay nya kaya lakaran na naman ang magaganap ..
Nagtanong ako sa guard ng village
"Kuya san po dito ang bahay ni Mr.Stefan Cruz?"
"Hanapin mo lang yung puting mansion na may nakalagay na Cruz's Residence iha"
"Ahh sige po salamat"
Nagsimula NANAMAN akong maglakad. Pagod,uhaw at gutom ang nararamdaman ko sa mga oras nato .. Woo! Tapos ang init init pa >_< Parang any minute ay mag co-collapse nako >_<
At sa wakas nakita ko rin ang Mansion nya.. Nag doorbell ako ng nag doorbell .. ano bato ang tagal namang buksan na hihilo na ako ei ..
Ilang saglit lang ay may naaninag ako na isang gwapong nilalang ang lumabas sa loob ng mansyon. Pero bago paman ito makalapit ay naramdaman ko nalang ang sobrang pagkahilo at ang pag dampi ng katawan ko sa lupa ..
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I know na ang lame ng chapter na ito guys pag pasensyahan nyo na ^^
BINABASA MO ANG
Si Artista at Si Manager
Fiksi RemajaHi guys!! This is my first story ever na tatapusin ko talaga hanggang kamatayan, choss haha ... Pls do support my story guys ^^ ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Isa syang manager, isa naman syang artista, nasa iisang mundo ngunit magkaiba ng...