Seungcheol Choi messaged you..
Seungcheol: nasaan ka, natalie?
Natalie: Bakit?
Seungcheol: nag-aalala ako sayo bigla ka kasing umalis nung sinabi ko yung tungkol sa amin ni Areum
Natalie: kikiligin na sana ako kaso nakita ko pa rin yung pangalan nya... |cleared
Natalie: may binili lang ako
Seungcheol: ano binili mo? Nasaan ka?
Natalie: nasa 7/11 lang ako bumibili ako ang ice cream
Seungcheol: sige antayin mo ako dyan
Seen
Natalie's POV
Nasa isa akong stool sa may 7/11 may tatlong ice cream na nasa harap ko. Puro vanilla flavor sya. Ano pa bang magandang pangremedyo sa sugatang puso kundi ice cream.
Naiyak na naman ako ng maalala ko yung mga pinagsasa-sabi nya sa akin kanina.
"Alam mo ba dapat may anak na kaming dalawa kaso wala e, nalaglag yung baby. Ang sakit, nat. Kung sana iniwan nya na lang sa akin yung baby edi sana may anak na ako ngayon at sa kanya pa. Sa babaeng mahal na mahal ko."
"....sa babaeng mahal na mahal ko."
Napahagulgol ako ng malakas. Buti na lang ako lang ang customer na nandito kasi hating gabi na rin.
"O bakit ka umiiyak?" Bago ako lumingon ay pinunasan ko muna yung luha ko.
"Oy, jihoon. Ikaw pala!" Masigla kong sabi.
"Wag mo akong linlangin dyan sa pangiti-ngiti mo." Sabi nito sa akin. Umupo sya sa tabi ko at saka ako tinitigan.
"Ito naman! Masyado kang seryoso dyan." Sabi ko saka sumadok ng isang kutsarang ice cream at kinain.
"Alam kong nasasaktan ka dahil kay Seungcheol. Ano iiyak ka na naman? Lagi na lang ba? Nandito naman kasi ako." Napatingin ako bigla sa kanya. Nandito naman kasi ako. Tandang tanda ko pa yang mga salitang yan. Mga salitang sinabi at pilit kpng ipinaparamdam sa kanya pero wala, manhid ata talaga sya.
"Nice joke." nag kunwari akong natawa sa sinabi nya.
"Hindi ako nagbibiro, Nat. Matagal na kitang gusto. Sinasabi ko ito para malaman mo hindi para iwasan ako okay?" Hinawakan nya ang dalawang kamay ko. Nakatingin lang sya sa akin.
"Mahal na mahal kita, Nat. Hindi ako nagmamadali sa ating dalawa, alam ko rin naman kasi na mahal na mahal mo rin sya pero hindi ako magsasawang mahalin ka kahit hindi mo ako mahalin." Alam kong sincere sya kasi habang sinasabi nya yun ay nakatitig lang sya sa mata ko.
Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Jihoon at niyakap.
"Nandyan si Seungcheol. Wag ka muna magulo." Bulong nya sa akin. Oo nga pala! Pupunta nga pala sya dito! Shit! Maya maya ay bumitaw na sya pero hinalikan nya yung noo ko.
Nagulat ako. Oo gulat talaga. HINDI NAMAN KASI SWEET SI LEE JIHOON JUSKO!
"Ayan wala na sya." Sabi nito at saka ngumiti. Aalis na sana sya kaso humarap ulit sya sa akin at sinabing-
"Alam kong gusto ka rin nya"
BINABASA MO ANG
𝒅𝒆𝒂𝒓 𝒔𝒆𝒖𝒏𝒈𝒄𝒉𝒆𝒐𝒍 | ✓
Short Story[ love letter series # 2 ] ❝A letter for a person who always breaks her heart.❞ all rights reserved © 2018 by rosemiaou