Seungcheol Choi messages you..
Seungcheol: Natalie?
Seungcheol: Where are you?
Seungcheol: bakit wala ka kanina sa studio mo?
Seungcheol: akala ko pa naman pupunta ka kanina sa practice namin kaso hindi ka dumating
Seungcheol: im worried
Seungcheol: puntahan kita dyan sa condo ko ha?
Seungcheol has logged out...
Natalie's POV
Napaupo ako ng wala sa oras para hanapin yung peste kong cellphone na walang habas na tunog ng tunog. Sarap ibato! Nung nahanap ko ito ay tinignan ko kung bakit tunog ng tunog..
23 messages from Jihoon
6 messages from Seungcheol
WHAT?! PUPUNTA DITO SI SEUNGCHEOL. Shit! Napaayos ako agad ng itsura ko. Hindi nya pwedeng malaman na may sakit ako.
Para mawalawala yung init ay naligo ako saglit at nagsuot ng maroon slip dress. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay narinig kong tumunog ang doorbell. Pagbukas ko nito ay sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha niya.
"Oh saan ka pupunta?" Tanong nya.
"W-wala."
"Doon ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na. Wag ka nga matulog sa sofa ha? Lalo na kung may sakit ka!" Galit na sabi nito.
Hala? Paano nya nalaman?
"Nandito na ako kanina pa. Remember alam ko ang passcode ng unit mo. Yung doorbell napindot ko lang yun. Hindi ko naman ine-expect na may magbubukas kasi nga alam ko naman na tulog ka." Napabusangot tuloy ako at hinayaan ko na bumagsak sa akin yung buhok ko na basang basa pa.
"Tignan mo to. Magkakasakit ka lalo nyan! Halika nga dito." Sabi nito. Ibinaba nya yung bitbit nya at saka ako hinila sa kwarto ko.
Inupo nya sa kama ko. Kinuha naman nya yung hair blower at saka naka ako pinatalikod sa kanya para tuyuin yung buhok ko.
Ang sweet naman ng future jowa ko.
"Tignan mo ang init mo lalo." Sinapo nya yung noo ko at biglang pinitik. "Yung damit mo ang ikli tapos ang lakas ng aircon. Magpapakamatay ka ba?" Tanong nya habang tinutuyo pa rin yung buhok ko.
Napatingin ako sa kanya ng tumayo sya at binuksan ang cabinet ko. Mayamaya ay binato nya sa akin ang isang pajama, tshirt at makapal na sweater.
"Magpalit ka nga. Isuot mo na rin to." Binato nya ang isang mahabang medyas.
"Hindi ka lalabas?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita ko na rin naman yan." Sabi nito saka tumalikod.
"Anong sabi mo!" Sigaw ko sa kanya saka sya binato ng unan.
"Look-" boom! Sapul sa mukha.
Natatawa na sana ako kaso nawindang ako sa mukha niya. Pucha bakit ba ang gwapo ng nilalang na 'to kapag seryoso?
"Ikaw babae ka! Magbihis ka na lang at mahiga ka dyan. Alam kong sakit ka kaya please. Wag kang maglikot!" Padabog akong humiga sa kama ko at saka nagtalukbong ng comforter ko.
Maya maya ay naramdaman kong niyakap nya ako. Bessy, back hug. Kinikilig ako! Hindi akk gumagalaw. Naramadaman ko yung baba nya sa tenga ko.
"Aalagan kita kaya please, makisama ka? Baka iba magawa ko sayo."
BINABASA MO ANG
𝒅𝒆𝒂𝒓 𝒔𝒆𝒖𝒏𝒈𝒄𝒉𝒆𝒐𝒍 | ✓
Short Story[ love letter series # 2 ] ❝A letter for a person who always breaks her heart.❞ all rights reserved © 2018 by rosemiaou