Prologue

24 0 0
                                    

Pawisang lumapit sa akin ang boyfriend ko..katatapos lang ng practice game nila

Inabutan ko sya ng tubig upang uminom at kasabay din noon ay pinunasan ko ang kanyang mukha..dahil tumutulo na mula dito ang pawis

"Ang sweet naman"napalingon ako sa nagsalitang si samantha..kasunod nya papunta dito si alexa..sila ang mga kaibigan ko

"Baka langgamin kami dyan"biro pa ni alexa

Napangiti naman sa kanila sa ethan..hinawakan nya ang baywang ko matapos uminom..walang sabi-sabing siniil nya ako ng halik..nakakalasing ang kanyang mga halik..napapikit na lamang ako

"Omg!my virgin eyes!"sigaw ni sam sabay takip ng kanyang mata..

Agad akong napahiwalay kay ethan dahil naalala kong nandito nga pala ang mga kaibigan ko..pumula ang pisngi ko dahil sa kahihiyan

Isang taon pa lang kami ni ethan..pakiramdam ko nga kapag nahiwalay lang sya sa akin hindi ko na kaya..nakadepende na siguro ako kay ethan..ilang buwan din nya akong niligawan noon..nagtiyaga syang maghintay para sa akin..

Hahakbang na sana kami paalis nang bigla na lamang may tumamang bola sa mukha ni ethan.Agad ko namang dinaluhan si ethan at hinawakan ang kanyang mukhang natamaan ng bola

"Okay ka lang ba ethan?"tanong ni alexa ng may pag aalala sabay lapit sa amin

Tumingin ako sa paligid..napadako ang tingin ko kay kael..he is the famous Kael Cayden Curter o mas kilala sa tawag na kayden..kilala ko na sya mula pagkabata dahil family friend namin ang pamilya nila..kambal sya ni samantha pero hindi talaga halata..at sinasabi ko sa inyo hindi talaga kami nagkakasundo ng lalaking yun

Patakbo syang lumapit dito sa pwesto namin.Sigurado akong sya yung nakatama kay ethan..wala namang ibang tao dito..kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa ginawa nya

"What's your problem dude?!"mabilis na lumapit si ethan kay kayden at kinuwelyuhan nya ito..hinawakan ko naman agad sa braso si ethan upang pakalmahin..tumingin saglit si kayden sa akin at ibinalik agad ang tingin kay ethan

"Napakainitin naman ng ulo mo ethan..kita mo namang hindi ko sinasadya..yung bola mismo ang kusang lumapit sayo"sabi ni kayden na parang walang nangyari

"Kuya nagsisimula ka na naman ng gulo" saway ni sam sa kuya nya..minutes lang ang pagitan nila

Hindi ako makapaniwala sa ugali nya..nagagawa nya pa ring kumalma pagkatapos ng ginawa nya..unbelievable

Binitawan na ni ethan si kayden sabay tulak dito palayo

"Asshole!umalis ka na bago pa kita masuntok"nanggagalaiting sigaw ni ethan

Napasmirk naman si kayden sabay ngisi

"Try me dude..hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo"nanghahamon na sabi ni kayden

Ano bang problema nya?

"Umalis ka na nga dito kayden!"pangtataboy ko sa kanya..tiningnan nya lang ako gamit ang mapaglarong ngiti..may nakita akong lungkot sa mga mata nito..o guni guni ko lang iyon

____________________________________  

A/N:

Please support my story..and dont forget to voments..



Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon