Chapter 3: Classmates

110 17 13
                                    

Camille's POV

Narito ako sa room ng University namin at kasalukuyang nakaupo sa desk ko. I am a 2nd year college student taking up AB Tourism. Well, I am pursuing my dream of becoming a stewardess.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang professor namin sa Sociology.

Kasalukuyan pa naming isinasagawa ang pagpapakilala sa buong klase ng sumunod na magpakilala ay isang lalaking pamilyar...Hmm, san ko ba 'to nakita?

Humarap sya sa buong klase at ngumisi...

O_O

"Ikaw?!" napatayo pa ako mula sa likod at ramdam ko ang hiya ng mapatingin silang lahat sa akin.

AHA! Sya! Sya yung lalaking nanapak sa akin sa cafe 1 week ago.

"Yes Miss, what is the problem?" tanong ni Prof.

"Nothing, Sir." sagot ko.

"Ah, okay just be quiet. You can continue." baling ni Prof sa lalaking ngisi-ngisi pa.

Hmp!

"Good Morning everyone, I am Matthew Nathaniel Andrei Villamore. Taking up Bachelor of Science Major in Aviation, concentration in Flight Operations." ngumisi pa sya bago bumalik sa upuan.

Aish! Nakakainis! Magpa-pilot pala sya tapos ako magste-stewardess, yan tuloy! Magkaklase kami sa ilang subjects. 

Ako na ang sumunod na nagpakilala at...

Argh!

Nakakainis! Di mawala-wala sa labi nya ang ngisi. Inirapan ko na lang ito at nagsimulang magsalita.

"Good Morning, I am Camille Jennifer Evangeline Ferrer. Taking up Bachelor of Arts in Sociology."

"Hmm. You both have long names, hehe.." ngiti-ngiting sabi ni Prof na nagpalipat lipat pa ng tingin sa amin ni LALAKI. 

Anyare kay Sir? May problema ba 'tong professor namin sa Sociology? Naku, Sir, ang ituturo nyo po sa amin ay about sa social structures and behaviors at hindi about sa matchy matchy.

FREE TIME

 Yes! Sa wakas! Nakawala na ako sa room na iyon. Nag-snack ako sa cafeteria ng university at nang matapos ay hinanap ko ang susunod kong room.

Naglalakad ako sa hallway ng biglang...

BOOGSHH

"Aray!" 

O_O

Bwiset! Pumapangalawa na 'tong lalaking ito eh.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig habang nakaluhod na parang nakapatong sa akin si Nathaniel---mas gusto kong tawagin sya ng ganun.

Nakatukod ang mga kamay nya sa sahig at napapagitnaan ako. Nanatili kami sa ganung posisyon at natinag lang ako ng makita ang weird na smile nya.

Aakto na sana akong tatayo pero hinila nya ang isang kamay ko para mapaupo na naman ako.

"A-ano ba?!" sigaw na tanong ko sa kanya.

"Maganda ka pala." sabi nya na ang lapad ng ngiti.

O_O 

Ansabe? Upakan ko kaya ito, ngayon na! Oo, alam ko. Ako ang magandang sinapak mo. Bwiset ka!

"The hell?!" mabilis akong bumalikwas sa aming posisyon. Hays. Buti at walang kung sino man ang nakakita sa amin.

"Hi." nakangiting bati nya sa akin.

"Ha! Parang wala lang nangyare ha."

"Bakit? May nangyare ba sa atin?" tanong nya na nagpainit ng ulo ko.

"Bwiset ka! Yung nangyare 1 week ago! Bilis mong makalimot ha!"

"Ha? Wala namang nangyare sa atin ha. Ikaw talaga, Jenjen. Pinagpapantasyahan mo rin ako eh." ngumisi pa ito.

O_O

Jenjen and tawag nya sa iyo, Camille. At ang mas nakakainis ay sobrang slow na nga, assuming pa ang loko. Pinagpapantasyahan mo ang pwet mo!

"Pwede ba! Wag kang patay malisya, Nathaniel."

"Don't call me that." saway nya sa akin ng tawagin ko syang Nathaniel. Bakit? Di ba nya gusto ang pangalan nya?

"Ewan ko sayo, Natnat."

"Ano?! Sabi nang--" naputol ang sasabihin nya ng may dumaang estudyante na titig na titig sa amin.

"Just shut up. May klase pa ako."

"Ah, sabay na tayo."

"I'm sure hindi tayo magkaklase sa susunod na subject ko na--"

"Humanities." sabi nya at napamaang na lang ako dahil totoo yung sinabi nya.

Ngumisi naman ito at hinila ang kamay ko at iginiya kami sa susunod na room namin for Humanities. Kanina ko pa ito hinahanap na room eh, nasa susunod lang palang floor.

Umupo naman kami sa aming mga upuan at napaisip naman ako kung bakit ito ginagawa ni Natnat.

Last week nga eh, parang hihigitan nya pa ang eruption ng bulkang Mayon nang tapunan ko sya ng coffee pero ngayon he is such a devilish angel.

Mapagpanggap ang loko! Hmp! May pa sabi-sabi ka pang maganda ako ha, pwes hindi mo ako makukuha sa paganyan-ganyan mo. Hindi mo mapapaamo ang isang tigreng Camille Jennifer Evangeline Ferrer.

..........................................................................................................

Hey guys! Okay lang ba ang chapter na ito? I hope you did appreciate this. Dito po ako nahirapan, ang dahilan ay SECRET. Hahaha. Kaya matagal ang pag- UD ko sa Chapter na ito. 


Thanks for reading, see you sa Chapter 4 ng TBP.  Lovelots!




-ANNY_SHEINNY-




-aRmY-

The Broken PromisesWhere stories live. Discover now