Chapter 12: Bestfriends

43 11 9
                                    


Camille's POV

"Camyyyyyyy!" naglalakad ako ngayon sa hallway ng makaramdam ako ng lukso ng dugo mula sa babaeng sumigaw.

Alam na alam kong sya ito. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Camy eh. Haha. My one and only bestfriend.

Tumingin ako sa likod at sumigaw din.

"Smileeeeeee!" sinalubong naman ang isa't-isa ng yakap.

"Shh. Ang ingay-ingay na natin. Haha." ako.

"Oo nga eh. Halika doon tayo sa cafeteria, treat kita." yaya ni Smile.

Nagtungo kami sa cafeteria at andami-dami nyang inorder. May spaghetti, burger, fries, pizza, at may kung ano-ano pa. Bigtime!

"Kumusta na?" tanong ko sa kanya habang kinakain nya ang burger nya.

"Okay lang naman. Masyado lang naging busy lately dahil pinahandle sa akin ni Dad ang business namin sa ibang bansa."

"Hmm."

"Ngayon lang nga ako nakabalik. Ikaw? Kamusta?" tanong nya.

"Okay lang din. Kakapagod mag-aral pero kaya pa naman."

"Ano nga pala kinuha mo?"

"AB Tourism."

"Bakit?"

"Kailan kong makatapos ng bachelor's degree which includes travel and tourism courses. Also learning one or more foreign language, and communications and hospitality classes."

"Eh, bakit nga?"

"Gusto kong mag-stewardess."

"Oh! Akala ko hindi payag sila Tita at Tito?"

"Wala silang magagawa. It's my decision. Hindi na rin sila kumontra."

"Mabuti ka pa." malungkot na tugon nito.

"Bakit?" tanong ko.

"Eh kasi sila Dad. Gusto nilang magtake-up ako ng Business Management. Eh sa gusto kong mag-architect, eh."

"Then convince them."

"'Wag na. I am happy din naman sa kursong kinuha ko."

"If that's your decision."

"Teka, bibili lang ako ng juice ha? Wait ka lang dyan." umalis na si Smile.

Naiwan akong mag-isa sa table namin. Kinain ko na lang ang fries ko.

"What's up Cam?" may umakbay sa akin. Agad ko itong hinarap.

o_o

Soooobrang lapit ng mukha namin. Isang inch na lang talaga.

"Hmm. What's up?" tanong nya. Di man lang kumawala sa aming posisyon.

Isang malaking halimbawa ng AWKWARD ang posisyon namin. Agad akong kumawala.

"Ah, may hinihintay lang ako."

"Sino? Si Andrei?" tanong nya.

"Hindi, Shawn. Kaibigan ko rin."

"Ahh. Can I share a seat?"

"Ah. Oo, naman."

Kinain nya kaagad ang pizza ni Smile. Lagot! Patay ka kay, Smile!

Shawn. Shawn. Shawn.

"Oh, Andrei!" sigaw ni Shawn. Palaging di ko na lang namamalayan si Natnat sa likod ko.

The Broken PromisesWhere stories live. Discover now