Ang recognition man ay dadating
Sana tayo'y magkatoto parin
Sana'y di lang sa loob magkaibigan
Sana'y sa labas ay hindilang bungguanAng malamig mong boses ay maririnig ko
Kahit kailanman tayo magkalayo
Kung sa bakasyon ay nobyo't nobya ang hanap nila
Ako nama'y kaibigang tulad mo dahil ako'y di tulad nilaSa aking mga kaibigan na marangal
Kahit taon man ang lumipas pagkakaibigan nati'y tatagal
Kaibigan ko kayo di lang sa kutis at anyo
Kundi dahil sa iyong ugaling parang malinis na puting panyoLahat ng kaibigan ay ay hindi perpekto
Pero kapag nakasakit ka ng paulit-ulit pakiramdam ay niloloko
Hindi ko alam kung mapapatawad ka pa nila
Sana'y marinig ang pasensya na mismo sa iyong dila.Ang pagiging moody ay nakakasakit na
Minsan sa kaartehan ito nagmumula
Ang pagiging maarte ay bihira lang noon
Pero wala na atang di maarte ngayonAng mga gurong mararangal ay tunay na akong saludo
Mga turo at payo nila ang dahilan para sila'y idolo
Sa susunod na henerasyon ay pupuno ng mga bagong guro
Na magsisilbing mga bagong tagapagturoKopyahan ay natural na sa kabataan
Para sa grades na gustong makamtan
Pero dahil sa sobrang paghiling ng mataas na marka
Hindi lang kopyahan ang gawa pati na rin pagbabago ng markaMga tunay na nag-aaral ay bumabagsak na
Sa nararapat nilang posisyon sa eskwela
Dahil kadayaan ang nanaig
Laging nanalo ang kanilang panigPero dahil malapit na ang bakasyon
Hinihiling kona magbago na kayo ngayon
Minsan ay naggawa ko na rin ang mga ito
Pero hindi ko na uulitin dahil gusto ko maging totooIkaw na babae umamin lang sayo
Hindi muna pinansin ng todo todo
Hindi ka naman diyos para parusahan siya ng todo
Dahil ang diyos ay hindi pusong batoDalawang buwan na hindi magkakasama
Dalawang buwan mamimiss ang isa't isa
Bakasyon ang nagsisilbing pahinga
Para sa mga mag-aaral na pagod na eskwelaSa mga nagbasa sana'y malaman niyo ang aral
Sa tulang ginawa ko para sa ikararangal
Maraming salamat ang tanging masasabi
Sa mga tunay kong magbabasa tuwing gabi
BINABASA MO ANG
Tula Ng Isang Kabataan
PoetryIsang koleksiyon ng tula. Maaring mga problema o kasiyahan ng isang kabataan. Kabataan, ano ang iyong nararamdaman?