Ako'y isang kabataang maralita
Kaibiga'y nakikilala sa salita
Maraming totoo, maraming hindi
Kapag nasa problema handa bang kumandili?Nakahanap ng kaibigan pitong letra ang pangalan
Akala'y tunay na kaagapay ang aking sikreto ay lulan
Patuloy kaming nagkausapan
At sa hinaharap ay naging magkaibiganPero sa susunod na araw ika'y iiwan na
Dahil nakahanap na siya ng iba
Ibang kaibigan na hahalili sa iyo
Ibang taong gumaya sayoIba't ibang katangian ang hanap ng isa
Katangian mo'y parang munting pusa
Mabait kung bata pa
Ngunit 'pag tumagal ay mapapataBakit nga ba nagbago ang isang tulad mo?
Siguro hindi mo naman ako niloloko?
Pero lahat sila ay sumasagot ng oo
Sa sobrang kaba sa tanong koTunay na kaibigan ka nga ba?
Kasi ang pagmamahal ay nawawala
Noong una'y kasa-kasama
Ngayong tumagal ay kasa-kasalaSana'y ito'y iyong mabasa
Kahit alam kong malabo mong makita
Alam kong masipag kang mambabasa
Pero ng ibang makataMasamang impluwensiya ay layuan na
Hindi mo ba ito naalintana?
Ang bibig ay puno ng masasakit na salita
Ang ginagawa niya ay tunay na dalitaKaya anong nangyari kaibigan ko
Ay mali dating kaibigan ko
Bakit ako'y iyong niloko
Alam mo bang ang tuwing ko sayo'y di panloloko?Ang bago mong kaibigan na gusto ng lahat
Siya na ang buhat buhat ng lahat
Ako'y nakatunganga inaayawan
Nang mga kapwa kong nagsisiayawanAlam kong walang kwenta ang tulang ito
Pero patuloy kong isinulat ito
Mabatid mo lamang ang impormasyon na iyong kailangan
Sa tulad kong kaibigan mong hindi na kailanganOh! Hanika kamusta ka
Maayos ka pa naman ba?
Ako'y nag-aalala na sayo
Kaibigan mo pa ba ako?Sana'y kapag nabasa
Sagutin mo ako ng bigla
Kasi huwag ka magpakasasa
Dahil nandito naman akong tolaIyong hinahangaan ng sobra sobra
Marka mo'y bumababa
Kung hindi mo na ako alintana
Pasensya na kailangan ko ng iwasan ang panaSana'y sikreto lang ang tulang ito
Huwag sabihin sa kaibigang di totoo
Ipagsabi man niya ay di ako magagalit
Pero ang puso ko'y mapupuno ng paitAlam mo naman siguro ang depresyon na nararanasan
Nang isang taong walang kaibigan
Ang isang tulad kong patapon na lamang
Hindi mo man lang maitapon sa basurahanAlam ko'y puros ka ng galit
Mga chismoso'y namimilit
Gumawa ng tukso na ikapalait
Paghihirap ang aking sinapitAng tulang ito'y patapos na
Pagkakaibigan nati'y tapos na ba?
Kung hindi mo maalintana
Paghihirap ng isang tulad kong sukab sa bintanaMarahil sasabihin mo'y peke
Ang tulang pinaghirapan ng isang eke
Marahil kinopya ko lang ito
Ngunit hindi naghirap rin ako
February 16 2018
1:05 AM
BINABASA MO ANG
Tula Ng Isang Kabataan
PuisiIsang koleksiyon ng tula. Maaring mga problema o kasiyahan ng isang kabataan. Kabataan, ano ang iyong nararamdaman?