Limampu't dalawang linggo
Sa labindalawang buwan
Labindalawang miyembro
Sa grupong binuoTayo ay naging masaya no'ng una
Pero ngayon ang nasasabi ko ay "ano na?"
Ang grupo natin ay unti-unting nasisira
Dahil ang mga pagsasama natin ay naging bihiraTara nang talakayin ang labindalawang miyembro.
Nang grupong kanilang binuo
Tayo ay magsimula sa aking sarili
Ang sinasabi nilang ang mahilig kumandiliAko'y biglang nadagdag sa grupo dahil sa pamimilit
Ang aking mga naranasan ay puno ng pait
Ito man ay aking naging kagustuhan
Ang mapasama sa inyo'y ngayon ay kinasusuklamanSumunod naman ang isang mataba at matangkad na lalaki.
Kilay ay pantay, katawan ay malaki
Ano na ba ang nangyari sa iyo kaibigan?
Bakit ang ugali mo ay naging ganiyan?Ikaw ang unang dahilan ng pagkasira
Ikaw rin ang dahilan ng pagsasamang naging bihira
Ang salitang "sorry" at "patawad" ay hindi masabi
Pero ang sikreto ng isa ay hindi ml maisantabiSumunod naman ay ang maputi't makinis na babae
Siya'y mahiyain ngunit hindi pabebe
Isa lang ang hiling ko para sa iyo
Sana ika'y maging matapang na totooIkaapat naman ay ang babaeng hindi biniyayaan ng katangkaran
Nakasuot ng salamin palagi yan
Pero bakit hindi sumama at nalalayo sa iba?
Ayaw mo na ba sa grupong iyong ginawa?Panlima ay ang babaeng may katabaan.
Siya na palakaibigan sa lahat ng kabataan
Wala siyang pinipiling katoto
At ang laging bukambibig ay totooAng babaeng makinis, matangkad at pinakamaganda sa grupo
Siya ang sumunod sa aking tula na para sa inyo
Minsan ay hindi nakakasama dahil sa magulang
Pero siya naman ay mabait at sobrang magalangSumunod ay ang babaeng nagpapasimula ng lakad
Siya ang pinakamapayat ngunit kung kumain ay sobrang lantad
Hindi daw siya nabubusog para sa kanyang sarili
Kaya kapag nasa galaan ay ubos-ubos ang salapiSumunod ang tulad niyang mahinhin
Siya ay palakaibigan at matampuhin
Makadiyos siya at maasahan din
Kaya siya ay laging nakakasama rinSunod ay ang babaeng walang kibo
Siya ay minsan na mukhang tibo
Pero siya ay mabait at mayaman
Pero ang privacy ay huwag papakialamanIka-sampu ay ang babaeng kamag-anak ng pakwan
Minsa'y mabait, minsa'y maasahan
Ang hiling ko lang sa kanya na sana'y tuparin
Ay tigilan na ang pagsakit sa akinPangalawa sa huli ay ang pinakatotoo sa buong grupo
Lagi siyang nagsasabi ng totoo
Sana siya'y maging masaya na sa buhay
Sana rin ay huwag na siyang maingayHuling huli sa listahan ang babaeng sampid sa grupo
Kaya napasama sa grupo ay dahil kay Toto
Biglang isinali dahil kaibigan
Pero isa rin sa mga pinaghihibanganLahat ng miyembro ay may natatagong baho
Pero may mga ilan na inilabas na agad ito
Para sa kabutihan ng mga manlalaro
Nang isang virtual game na ako ang panalo
BINABASA MO ANG
Tula Ng Isang Kabataan
PoetryIsang koleksiyon ng tula. Maaring mga problema o kasiyahan ng isang kabataan. Kabataan, ano ang iyong nararamdaman?