[4] 100 Days With Marvy Martinez

57 7 1
                                    

Day 4.

Nike.

I made my decision. I'll be staying here for good, para hindi mawala ang pinag hirapan ko.

Gusto ko pang gumraduate sa South Presencio De Akira, I won't let Marvy ruin my dreams.

Lumabas ako sa silid na tinutuluyan ko. It's already 10pm, Maldives time. Hindi ako sinasaniban ng espiritu ng pampatulog.

Umupo ako sa seashore at bumuntong hininga.

Isang daang araw akong hindi papasok, halos kalahating taon na din 'yon, chos!' bulong ko sa sarili ko.

Maganda naman dito sa Maldives, actually I wanna live here, kundi dahil sa SPDA, edi sana dito nalang ako nanirahan.

"Hey." Dumampi sa punong tainga ko ang bulong na 'yon. Hot voice and hot breathe.

Halata naman na 'kay Marvy 'yon e. Isa pa, naamoy ko din naman yung perfume nya, Calvin Klein perfume. Samantalang Victoria's secret naman ang sakin.

"Ano ba? Bakit ka ba nandito? Anong oras na oh! Matulog ka na nga doon." Pag tataray ko, ngumiti lang sya at saka tumabi sakin.

"Ano bang iniisip mo?" Pagbubukas niya ng topic.

"H'wag mo kong kausapin, you're the one who made my innocent life miserable." Sagot ko atsaka umirap sa kawalan.

"Really?" Sarkastikong tanong nito. "Iyan ang gawain ni Marvy Martinez. And, as if I care."

Gusto ko ng sunggaban ng suntok ang pangit na 'to. Nakaka bwiset, panira ng gabi at araw, ang sarap sakalin.

Tumayo ako atsaka walang sabi sabing iniwan ang walanghiyang 'yon. Akala nya siguro sya lang ang may karapatan mag walk out!


KINABUKASAN.
Nagising ako ng mag ring bigla ang cellphone ko. Napabalikwas ako at sinagot agad ang tawag.

"Hello, Nike. Where are you? I just got home and I found out that you're not here! I'm worried honey, where are you?" Nag aalalang tanong ni tita Amanda mula sa kabilang linya.

"Ahm... T-tita, nakayla Cheska lang po ako, I was afraid last night e. It was raining kasi, sorry po." Pag papalusot ko.

"Fine. But please sweetie, umuwi ka na because I wanna see you na e. You need to be here before dinner ah? Or else mag tatampo ako sayo." Pabebe nyang paki usap.

She's 37 years old by now. Oh
sh-t! Hindi ako makaka abot ng dinner. Hello! Nasa Maldives kaya ako.

Binaba ko na ang tawag at agad na tumakbo papunta sa kwarto ng hayop na 'yon.

Dire-diretso na ako at pag pasok ko, topless si Marvy.

"AHHHHHHH!" Sigaw ko at tumalikod sabay takip sa mukha ko. "Bakit ka ba naka hubad? Hayop ka talaga." Kapos hininga kong tanong.

"E bakit kasi dire-diretso ka sa kwarto? Alam mo umaga palang kaya nag hihilamos palang ako, at saka I'm just half naked." Sagot nya.

"Mag bihis ka nga. Kailangan nating mag usap kasi may emergency!" Utos ko.

"Opo boss ma'dam!" Sagot nya.

Umalis muna ako para makapag bihis sya.

Tinawag ako ni Marvy dahil tapos na daw syang mag bihis, agad akong pumasok at nag buntong hininga.

"My tita is back." Panimula ko.

"And then?" Tanong nya.

"She wants me to go back. Ibig sabihin, kailangan kong umuwi, deadline ko ay mamayang dinner, kailangan ko ng umuwi samin, Marvy." Sabi ko.

"May kasunduan tayo, Lindemann. You're staying here for 100 days with me as your boyfriend." Matigas nitong sagot.

"But I have to go. I missed tita Amanda so much, I wanna see her. I'm going home." Pag pupumilit ko.

"Kapag umalis ka, aalis ka na din sa South Presencio De Akira. You know I'm powerful." Pag babanta nya.

"H'wag mong gamiting panakot sakin 'yan, Marvy. Kailagan ko na talagang umuwi sa bahay, I'm going back." Sabi ko. "It's been 2 years ng huli kon'g makita si Tita Amanda, and her longest leave for work is 3 days, at kapag hindi ko sya nakita, I have to wait for another 2 years. Hobby mo ba talagang manira ng buhay, Marvy?"

Mukang natahuan sya sa sinabi ko. Nag walk out nalang ako.

-------------
Hehehe😁😁 sorry kung maiksi mga chapters, di naman kasi ako kasing talino ni ate everjoy para magisip ng mahaba😁😁❤

- k e y s a p p h i r e ♥

100 Days With Marvy MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon