Where It All Started

142 12 2
                                    

Bago ko pa makalimutan, ako nga pala si Nike Lindemann. May lahing banyaga pero, may pusong pilipino naman. I was just 4 years old back then when my parents left, iniwan nila ako kay tita Amanda na ngayon ay nasa States for some business issues.


Business tycoon kasi si tita Amanda at wala syang anak kaya naging mayaman ako at minahal nya ako as her daughter. Matagal ng patay ang asawa nya kaya, hindi na sila nag ka anak.

Isa akong valedictorian student sa isang mataas na paaralan dito sa Quezon City. Popular 'to sa ibang bansa at dito sa pinas pero iilan lang ang pumapasa.

"Lindemann, come here!" Pag tawag ni Mr. Presencio, ang school admin ng university. Matanda na 'to at nasa 70 na ang edad pero malakas parin naman.


Agad akong tumayo at lumapit sa matanda at nag mano. "Ano po ang mai-tutulong ko, Mr. Presencio?" Magalang na tanong ko.

"Mag punta ka sa gymnasium at tignan mo kung anong gulo ang mayron don, I trust you. Fix this before next week!" Striktong anito. Matanda na, pero strikto parin. Pero may mga oras na, masayahin naman ang matandang 'to.

Nag bow ako at madaling tumakbo papunta sa gymnasium, malawak 'to at aabutin ka ng isang araw bago malibot ang kabuuan. Kaya madalas ang gulo dahil sa mga MOPS.

Grupo 'yon ng apat na sigang lalaki at basagulero. Ipapakilala ko sila isa Isa sainyo.



Ang lider ng grupo. Si Marvy Martinez, isa sa mga may pinaka mataas na profile sa unibersidad. Anak sya ng kanan kamay ni Mr. Presencio. Gwapo naman pero saydang basagulero. Si Oxer Tomaho, isang hapones na may low profile sa bansa. Pamangkin sya ng Dean kaya may kapit sya sa university. Philip Presencio, ang kilalang tahimik pero womanizer sakanila. Minsan na din nya 'kong na bully, pero wala syang nagawa. Anak sya ni Mr. Presencio sa labas. Silver Morgan, ang pinaka nakaka bwiset sakanila. Anak naman sya ng head faculty member sa university.

Sakit sa ulo at mahirap disiplinahin ang mga MOPS. Napaka yayabang akala mo kung mga sino.

Pag dating ko sa court. Dinig ko ang suntok ni Marvy kay Elthon na ngayon ay naka handusay na. Walang patawad!


"Martinez" tawag ko sakanya habang naka cross arms. Pinag tyatyagaan ko nalang ang manners ng lalaking to, e. "Ano naman 'to ngayon? New case? New record!?" Dagdag ko.

"As if you care, Lindemann. Umalis ka nalang at baka madamay ka pa" sagot nito habang naka patong sa naka handusay na katawan ni Elthon.

"Everyone, umalis na kayo sa court except sa MOPS!" Utos ko na agad nilang sinunod. "Torres, paki tulungan bumangon si Elthon" utos ko pa.

At ng maka-alis na ang lahat, naka tingin ng masama ang MOPS sakin. What the hell is their problem?! "Why're you looking at me like that?" Tanong ko.

Mas lalong tumalim ang tingin ni Silver 'sakin. Kaunti nalang at para na nya 'kong susugudin at sasakalin.

"Nakielam ka nanaman, Lindemann. Alam mo ba kung anong ginawa ng Elthon na 'yon sa girlfriend ko? Sinulot nya!" Galit na sabi nito at lumapit sakin. "Now what" dagdag nito.

"Really? Kasalanan mo 'yon, basagulero ka kasi kaya iniwan ka ng girlfriend mo!" Banat ko. Mas lalong pumula ang mga pisngi nya sa galit.

"Alam mo bang madaming kasalanan si Elthon 'samin?" Singit ni Oxer. "He almost kill me last time" anito.

"And, he stole my money that's why I'm staying at Oxer's penthouse!" Singit din ni Philip.

That's not all a reason. Walang kwenta ang mga dahilan nila.


"And now?" Sarkastiko kong tanong. Umirap ako at tinaasan sila ng kilay. "The faculty, dean, principal and even the admin won't punish you because malakas ang kapit 'ninyo sa university, pero dahil sakit talaga kayo sa ulo, I'll be the one na mag pa punish sainyo"


Nag hari ang halakhak sa buong court. "This girl must be kidding us, and who the hell she is again? Nike Lindemann?" sabi ni Oxer.


Tsss.


"Alam mo miss sexy, manahimik ka nalang at h'wag mo kaming tatakutin dahil nakakatuwa ka lang HAHA" sabi ni Marvy at humalakhak.


Ganun ah?
Lumapit ako kay Marvy at plastik na ngumiti sabay hinapit sya sa balikat at walang habas na tinuhod ang pagkalalaki nito.


Nagulat sila sa ginawa ko at namilipit naman si Marvy sa sakit. "F-ck you!" Sigaw nito habang sapo ang pagkalalaki at naka handusay.

"You!" Dinuro ako ni Philip, nakakatakot ang tingin nya. Akala mo papatayin nya ako. Nag sukatan kami ng tingin. "if ever na ma hatch ang egg ng kaibigan ko, I'll make sure na matatalsik ka sa university! You bitch!"


What the f-ck! No! Hindi ako pwedeng matanggal sa university, ano nalang ang sasabihin ni tita Amanda?

Nanlaki ang mata ko. "No! Hindi ako puwedeng ma out sa school na 'to, please! H'wag mong gawin 'yon!" Halos umiyak na talaga ako.

"Then say sorry to Marvy. Kapag nabasag ang egg nya, hindi na sya lalaki 'non! He can't impregnate anymore" biro nito.

"S-sorry" kagat labing sabi ko. "I'll do everything for you, just forgive me!" Pag mamakaawa ko.

For the first time, narinig 'nyong nag mamakaawa si Nike Lindemann at sa MOPS pa.

"In one condition!" Namimilipit paring sabi ni Marvy. Kunot noo ko syang tinignan.

"Ano naman 'yon?" Tanong ko.


"Be my girlfriend for 100 days, at sumama ka din sakin sa Maldives. Ng isang daang araw!"




-----------
100 Days With Marvy Martinez
©2018
Written by, key_sapphire
Published under BROKEN ARM SERIES.

100 Days With Marvy MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon