(knock...knock...knock)
Parang may naririnig ako -.-zzz.Hay ano bayan ang ingay!(Sa kahabaan ng tulog ko may naririnig akong maingay ayoko pa bumangon dahil sa sakit ng katawan ko ng my biglang kumalabit sa akin?)
Tita: Jary gising na akala ko ba mag papagising ka sakin pero hindi ka namn diyan bumabangon.
(Siya si Tita yunnie pinsan ni Mama siya na ang gumabay sakin simula ng mawala si mama)
Me: Hays oo na oo na Tita babangon na po -.-!
Tita: Hala sige bumangon ka na at baka malate kapa sa pupunthan mo.
Me: O.O ha???? Oo nga pla?? naku lagot anong oras na....(Naglalakad ako dahil wala akong pamasahe 15 minutes lang naman ang lalakarin papunta sa store na niraraketan ko.Kaylangan ko kasi dumoble kayod dahil may sakit na rin si Tita hindi na rin niya kaya ang mabibigat na gawain para kumita ng pera para sa amin)
Trixie: Oy! jary,jary bilisan mo..
Me: Oh trixie ikaw pa la yan bakit? parang hingal na hingal ka diyan?(Siya si trixie ang kaybigan ko na baliw 2 years palang kameng nag kakakilala pero masasabi ko na mapag kakatiwalaan naman siya,hindi nga lang sa mukha hahaha)
Trixie: Naku! jary may problema tayo >.<!
Me: Ha?Bakit ano ba yun?
Trixie: Y..yung store ni Mr.Xi mag sasara na daw bukas.
Me: Ha?!B..bakit daw,p..paano?
Trixie: Uuwe na daw si Mr.Xi sa China kaya isasama niya na yung store niya :(.(Umuwe na kame ni trixie dahil ayaw na rin kame pag trabauhin ngayong araw ni Mr.Xi dahil mag liligpit na daw sila nakuha ko narin ang huli kong sahod.Paano yan wala nanaman akong trabaho,hays napaka malas ko talaga.Ako na ata ang pinaka malas na tao sa balat ng lupa T.T.Paano ko matutulungan si Tita kung wala na akong trabaho -.-.)
A..arayyyy!(Ano yun parang may bumato sa ulo ko?)
Me: S..sino yun?? Chris?
Chris: S..sorry ate jary heehe XD(Siya si Chris anak ni Tita yunnie at pinsan ko.Siya na ata ang pinaka makulit na pinsan sa mundo.Tinutulungan ko si tita na pag aralin si Chris ng College 1 taon na lang naman gragraduate narin tong mokong na to.)
Chris: Ate bakit ka nandito?Diba may trabaho ka ngayun?
Me: Hays.Wala na -.- wala nanaman akong trabaho.
Chris: Tinanggal ka?
Me: Baliw syempre hindi,bakit naman ako tatangalin dun?
Chris: Kasi daw tamad ka?hahaha.Aray!!
Me: Eto batok hmm.Gusto mo sipain kita diyan palayo ha!! Oo nga pla,bakit ka nandito wala ka bang pasok?
Chris: Breaktime lang po namin ate.
Me: Ikaw wag kang mag cu cutting ha sayang yung pagod namin ni tita.At saka pala wag moko sinasagot sagot porket mas matangkad kana sakin ngayu ha!(Sabay pingot sa kanyan)
Chris: Aray! ate opo opo hehe XD opo ate sorry naman na.
Me: Sige na pumasok kana at uuwe na ako.
Chris: Sige ate bbye.(Naglakad ulit ako pabalik sayang naman kung sasakay pako wala na nga akong trabaho eh.Pag dating ko sa bahay ay nakasarado ang canteen ni tita)
"Hmmm?Asan kaya si Tita?"
(Pumunta ako sa kwarto niya at nandoon siya nakahiga masakit daw ang balakang niya kaya hindi siya nag bukas, iniwan ko na si tita pag katapos ko sabhn na wala nkong trabaho)
"Hindi pede to kaylangan ko mag hanap ng raket >.<!Naalala ko si trixie baka siya may alm na trabho o raket mn lg"
(Nilabas ko ang cp ko at nagtxt kay trixie)
(Convo)
Me: "Trix my alm kba na makkuhaan ntin ng trabho o raket?txtbck."
Trixie: Hmm? ttry ko dumaan tom dyan my ooffer ako sayo ok? :*
Me: Sgesge,tnxs bess.
Trixie: Welcome bessy.