KATANGAHAN

35 1 0
                                    

Gusto mo sya
Pero mismong sa iyong sarili
Ayaw mong aminin na mahal mo sya
Dahil alam mo at nasisiguro mo na sa oras na magkakagusto ka
Aasa kana naman

Aasa ka na , sana'y ika'y mapapansin
At iyong iisipin
Na habang ikaw ay nakatalikod sya ay nakatingin..

Katangahan...

Ang sabi nila kapag ikaw raw ay naghihintay ng ilang oras,
Pasensya mo raw ay wagas

Kung ilang araw naman ang aabutin ng iyong paghihintay
Kaibigan kang tunay

Pero kung naghihintay ka
Kahit alam mo na mismo sa sarili mo na hindi sya dadating,
Totoo raw! Ang pagmamahal mo.

Pagmamahal na totoo?
Katangahan yun..

Katangahan na laging humahanap ng paraan para bulagin ka.
Katangahang bubulagin ang puso't isipan habang pilit na tinatago ang katotohanan
Ang katotohanang,walang kayo at di magiging kayo.
At kahit balik baliktarin mo pa ang mundo
Ibang tao parin ang nagpapaikot sa kanyang mundo

Ang tanga lang..

Masakit mang isipin
Ang katangahang akong inaangkin
Pero sadyang di ko lang talaga kayang baliwalain
Na sa tuwing ako'y sa kanya nakatingin
Aking nasisilayan ang isang magandang nilalang
Nilalang na di ko inaasahang syang mangugulo sa puso ko't isipan

Isipan kong himbang sa katangahan
Na sa kunting galaw nya lang ay ako'y mag-aassume
Mag-aassume na baka ako'y nagugustuhan nya rin
Mag-aasume na baka naghihintay din sya sakin
Sa akin na isang tagahanga
Tagahanga na sa simpleng pagsaan nya lang sa classroom
Ay nag bibigay na nang 1000 volts sa mga buto ko sa ilalim.

huh! Diba ang tanga ..

Gusto kong sabihin na iniidolo ko sya
Sa rason na tinatago ko ang katotohanang gusto ko sya
Balak ko sanang patunayan ang aking nararamdaman
Ngunit ako'y napaisip na ito'y katangahan lamang

Oo, tama katangahan nga

Katangahan ,kung ang isang babaeng tulad ko ay maglalakas loob na aamin sa lalaking tulad niya.
Napakatanga, ni hindi ko nga alam kung ba't sya
Di ko naman sya tipo
Pero ang taong 'to na tinatawag ang kanyang sariling isang demonyo
Ay nagmistulang anghel sakin.

Anghel na nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo
Na ang dahilan ay sya mismo
Kung ba't ko ginustong manatiling buhay
Sa kabila ng mga pangarap kong namatay

Katangahan..

Ang nagsisilbing langis
Upang umabot ng ilang panahon
Ang mala makina kong puso
Tyrone Kyle Sacramento
Sya ang katangahan ko.

#ArchiWhere stories live. Discover now