Chapter 4

3.2K 168 12
                                    

"Bakit siya kasali?" Bungad na tanong agad ni Alex nang makita nitong kasama si Angelo sa video call namin.

"Ganon talaga pag mag-bestfriend." Sagot ni bakla. Dahil nga magkaibigan lang kami sa iba pero sa harap ng magulang ni Angelo ay 'yon nga mag-jowa kami.

"Pre naman! This is babe time!" Hirit ni Alex.

"Ah." At 'yon binaba ni Angelo kaya natira na lamang kami ni Alex. Humalakhak siya.

"Uy joke lang 'yon ah." Tinanguan ko lamang ito.

"Saan ka magpa-papatulong?"

"A-ano wala talaga 'yon. Gusto lang kitang maka-usap." Wala naman pala! Sayang lang ang oras ko rito.

"Sige ibababa ko na. Maglilinis pa ako eh." Palusot ko. Ang totoo ay tapos na ako maglinis ng bahay kahapon. Ayoko lang talaga siya makausap dahil hindi naman talaga kami close kaya ang awkward lang dahil bigla siyang magiging feeling close.

"Sige. Pasensiya sa istorbo." Nginitian ko ito saglit bago binaba ang video call.

Saglit akong napa-titig sa kisame. Si bakla pala! Kinuha ko ulit ang cellphone ko at nagsulat ng mensahe.

To: Angelo Fogi

Baklaa!!!

Ilang segundo lang ang lumipas ay nag-reply na ito.

Angelo: Tapos na agad? Ba't ang bilis?

Alam naman niyang hindi kami close non paano ko papatagalin ang usapan? Pero sana nga kinausap ko nalang nakakasawa na rin 'tong bakla na to kausap.

To: Angelo

Hindi talaga siya magpapa-tulong, gusto niya lang daw ako kausap kaya nagpaalam na ako.

From: Angelo

Paveve ka ha. Fafa na 'yon si Alex.

'Di na ako nagreply dahil naglalantad na naman 'tong Angelo na 'to. Pero muli ako naka-tanggap ng mensahe sa kanya.

Angelo: Bat di ka na nagreply? Nag-uusap ulit kayo?

Nagtipa agad akong mensahe.

Maia: Hindi teh! 'Wag ka mag-alala, behave lang ako dito, di kita aagawan ng fafa.

TAMAD NA TAMAD akong tumayo. Nanood kasi ako ng movie kagabi dahil 'di ako maka-tulog at ang ending ay puyat na naman ako.

Naligo at nag-ayos ako para sa pagpasok nang matapos ay bumaba ako para kumain nang umagahan. Tahimik ang buong bahay tulog pa si Mama't Papa.

Minadali ko ang pagkain dahil ilang minuto nalang ay mahuhuli na ako sa klase! Pumara agad ako ng tricycle pagka-labas pa lang.

Hanggang sa di 'ko na namalayan na nandito na ako sa tapat ng school. Nag-abot ako nang bayad at parang zombie nanaglalakad ngayon. Naglalakbay ang isip ko ayaw sumanib sa akin.

Lumaki agad ang ngiti ko ng matanaw si Angelo sa kanyang upuan.

"Morning teh!" Bati ko sa kanya at bumeso pa sa kanya. Bahagyang umiwas ito. Arte!

"Sungit mo ha? Meron ka ba?" Pagbibiro ko pero nasa harap pa rin ang tingin nito habang nagpapaikot ng ballpen sa kanang kamay.

Hinayaan ko siya at inayos ang upuan ko na nasa tabi niya bago inilapag ang aking bag. Medyo inilayo ko ang upuan ko kay Angelo dahil nagiinarte siya, ngunit muli niyang ibinalik ang dating lapit ng upuan namin.

"Tas ngayon ganya-ganyan ka! Labo mo!" Bulong ko pero sadyang pinaririnig ko sa kanya.

Kita ko ang palihim niyang irap at biglang naglabas ng liptint mula sa bulsa niya.

"Lagyan mo ako," sabi niya at umayos ng upo, paharap sa akin.

"May kamay ka naman!" Inilabas ko ang salamin kong maliit sa bag at nilahad sa kanya. "Oh!" Pero imbis tanggapin ni baklita ay itinago nya na ang liptint nya at umayos na ng upo, paharap sa blackboard. Tsk! Ubod ng arte talaga.

Inilabas ko ang liptint ko sa bag. "Humarap ka na!" 'Di nakaligtas sa akin ang lihim na ngiti na igininawad ni Angelo nang marinig niya ang sinabi ko. Mabilis naman itong sumunod at humarap sa akin.

"Ang pagkaka-alala ko ikaw ang hindi nagreply sa atin kagabi? Ba't ganyan ka umakto?" Sabi ko sa gitna nagpapapahir ko ng liptint sa labi niya.

"Baka si Alex lang din ang pagusapan natin. Nabwisit na nga ako kahapon nung naglaro kami. Pota tuwing meron pagkakataon, binabanggit talaga pangalan mo eh!"

Natawa naman ako sa sinabi nito.

"Wag ka naman kabahan! Chill! 'Di ko aagawin si Alex sayo, okay?" Sabi ko pero  tinaasan niya ako ng kilay.

"Di naman 'yon eh!" Aniya

"Eh ano pal--" Hindi niya na ako pinatapos nagsalita.

"Wag ka nang magtanong," Sungit! Baklita talaga!

Dumating ang guro kaya nanahimik na kami ni Angelo pero sa kalagitnaan ng klase namin ay ipinatong nya ang kamay nya sa arm chair ko at pinaglaruan ang kanang kamay ko na nakapatong doon.

Hinayaan ko na lamang dahil nasanay na rin naman ako sa baklang ito. Nilalaruan niya ang mga daliri ko. Minsan ay pinagsisiklop naman niya ang kamay namin, minsan naman ay minamasahe niya ang kamay ko. Wala na ako halos naintindihan sa tinuturo ng guro dahik ang atensyon ko ay nasa kamay lang namin ni bakla! Pag ako bumagsak 'pag may biglaang quiz ay kasalanan niya!

Itinaboy ko na ang kamay niya dahil parang inaantok ako sa pagmasanasahae at paglaro niya sa kamay ko.

Tinignan ako nito sa mata na parang nagtatanong kung bakit ko itinataboy ang kamay niya.

"Baka makatulog ako," sabi ko lalo na't kulang pa naman ako sa tulog ngayon.

Tumango siya pero binalik ang kamay nya sa arm chair ko! Pero imbis na paglaruan ang kamay kong nakapatong ron, ang ginawa niya pinagdikit ang mga balat namin.

Natapos na ang unang subject namin. P.E ang susunod na subject kaya naman excited ang lahat. Pupunta kasi kami sa gym ngayon para magpractice ng sayaw para sa nalalapit na competition dance ng school namin.

Ang Boyfriend Kong BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon