Mr.telephone [one shot story]

312 12 10
                                    

"uy best! si ano oh...yung crush mo dati" sabi sakin ng bestfriend kong si kate.

"sus! yaan mo siya wala naman paki sakin yan eh. nakalimutan niya na ko"

si luke siya yung crush ko dati pero ngayon mahal ko na siya....hindi ko lng sinasabi sa mga kaibigan ko na hanggang ngayon may gusto ako sa kanya...mga loka-loka kasi mga kaibigan ko eh  baka sabihin panila kay luke na may gusto ako sa kanya mapahiya lng ako...

sino ba naman ang may gustong mapahiya kapag sinabihan ka ng crush mo na hindi ka niya gusto? diba masakit yun? kaya eto hangggang patingin tingin lng ako.

magkaibigan kami ni luke nung grade 1 pa magkaklase kami eh lagi kami nagtatawagan sa telephone noon kaso lumipat kami ng bahay kaya hindi niya na ko natawagan kasi nag iba na kami ng number.... hindi na rin kami mag kaklase simula grade 3 kasi hiwalay na ang boys at girls kaya yun nawalan kami ng communication simula nun.

simula pa lng may gusto na ako sa kanya kaya mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya....mahal ko na siya ngayon.

 ilang taon ko narin tinatago ang nararamdaman ko. ayoko kasi na may makaalam eh...gwapo kasi si luke maraming may gusto sa kanya. ayaw ko lng na may makaaway ako. mga selfish kasi yung mga school mates ko eh malaman lng na may gusto ka kay luke aawayin ka na. maka angkin sila kala mo naman girlfriend sila ni luke mga kabataan nga talaga ngayon.

kaso hanggang dun lng ako alam ko naman na may mahal siyang iba eh.. nakalimutan niya na ko hindi niya na ko pinapansin.

habang nag kaklase kami may naisip akong kalokohan...ang boring kasi eh...kaya nagsulat na lng ako sa papel.

dear mr.telephone,

                       kilala mo pa ba ko?  bakit  ganun? dati lagi tayong mag kausap sa telepono nung mga bata patayo tapos nagkahiwalay lng tayo ng classroom nag bago kana? parang hindi naman tayo naging magkaibigan niyan eh.. alam mo ba crush kita noon? hahahaha sorry di ko pinaalam sayo nahihiya ako eh..pero alam mo ba kahit na ganun mas lumalim ang nararamdaman ko ngayon. mahal na kita alam mo ba yon? hay nako para na akong baliw neto eh.. alam ko naman na walang pagasa eh. ni hindi nga tayo nag uusap eh.. bahala na. ay! wait lng kung sakaling gusto mo akong tawagan eto nga pala ang number namin 854-**** okay na? tawag ka lng kung mahal mo na ako ok? hahahaha 

                                                                                                                                    nagmamahal,    

                                                                                                                                           keigh

"huy best! ano sinusulat mo diyan?"  ang  chismosa naman nito!

"wala! makinig ka na nga lang kay miss" sabay tinago ko yung papel sa bulsa ko. mga kabaliwan ko talaga hahahaha wala lng trip ko lng.

pagkatapos ng klase namin recess na kaya ayun kumain kami sa baba.

"uy best bilisan mo nga kumain! tayo na lng nandito sa canteen 5 minutes na lng before the bell kailangan nasa classroom na tayo"

"ang sungit mo naman eto na po saglit lng" kinuha ko lng yung panyo sa bulsa ko at nagpunas ng bibig.

*kringgggg*

"anak ng tokneneng naman! wala na patay na tayo niyan nag bell na....masungit panaman next teacher natin baka pagalitan tayo nun! bakit ba kasi excited masyado yun? ang aga-aga pumasok sa room natin?"- kate

Mr.telephone [one shot story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon