Prince's POV
Nasa plane kami ngayon at kasalukuyan kong pinapanuod yung asungot na lalaki at si Courtney na nasa sahig... Sa totoo lang wala akong karapatan na magselos, magalit, mainis at gustong pumatay. Pero ang sarap lang talaga sapukin nung asungot!! Nakakainis naman si Courtney na nakikipagharutan din.
"Kuya Prince kelan ang kasal?" tanong ni Courtney na hindi manlang nangiti
Isa pa yan. Kuya sya ng kuya eh di naman nya ako tinatawag ng ganon dati. Isa pa ni isang ngiti hindi nya ako binibigyan.
"Tommorow Princess" pabiro kong sagot pero sinimangutan nya lang ako
"Don't call me princess. I am not a child anymore and you are not my dad and your not anyone who usually call me that." masungit nyang sinabi
Actually that hurt!
Pero mas masakit yung ginawa mo sa kanya!
Shut up brain!
You know that I am right.
Now what?!!! pati utak ko kaaway ko na din!! Nakakainis na ah!! >___<
"Con-Con you have 10 bathing suit to wear for the summer theme of the 'Le Fashionista' then 10 lingerie for 'Soy sexy'... and last but not the least you have a fashion show in Paris!!" masayang sinabi ni asungot
Parang lahat naman ata pangsexy!! 17 years old palang si Courtney ha!!! Bakit sya magsusuot ng ganun? Oo model sya pero pinayagan na ba sya ni Tito? Maraming makakakita nun at for sure puro lalaki!! Grrrr..
Bat nagagalit ka?
Hindi ako nagagalit?
TSS.. Sinungaling...
Shut up brain!!
Nakatingin parin ako ng masama sa kanila habang patuloy sila sa paglalaro. Childish!! Hindi sila bagay nung asungot na yan! Di naman kagwapuhan e. Tsk. Badtrip!
Courtney's POV
Masama ang tingin samin ni Prince pero di namin sya pinapansin. Narinig din ata nya yung schedule ko. Kaya lang naman ako sumama dahil Ate Kailison wants me to be there. Kahit gustuhin kong isipin na gusto nya rin akong nandito. Narealize ko din naman na maling ipilit ang sarili mo sa hindi ka gusto kaya tama lang ang desisyon ko.
"Con-Con alam mo patay na dapat ako eh." bulong ni Ken
"Bakit?" tanong ko naman
"Ang sama makatingin nun oh!" belong nya
Tumawa ako at tinulak ng paloko si Ken. May boyfriend yang si Ken kaso lang nagtatrabaho kasi ayaw daw nya na maghirap sila ng my loves nya. They love each other very much. Mas babaeng kumilos ang boyfriend ni Ken. Nakita kong lumapit sa muka ko si Ken na parang hahalikan ako ngumiti sya ako naman nagduling-dulingan. Tawa sya ng tawa ako naman tumatawa din. Bigla akong hinila ng magaling kong 'KUYA' Prince.... masama ang tingin nya at hinila ako papunta sa tabi nya. Anu bang problema nya?? Kanina pa sya ganyan. tss. lumalayo na nga ako eh..
"Kuya Prince anu ba talagang problema mo sakin?" tanong ko habang hinihila yung braso ko
"Wala." sagot nya
"Kuya Prince wala naman pala eh. Bitaw naglalaro kami ni Ken." Sabay hila ko ng braso ko
"Di ka babalik dun. Dito ka lang." hinila nya ako paupo
BINABASA MO ANG
My Korean Suitor
RomanceShe have everything except for love. She loves a man who thinks of her as a little sister. Sya na ang nanliligaw pero nireject sya. She accepted the rejection but he can't accept he rejected her.