BEINTE OTSO

4.6K 119 9
                                    

"What a long day!" sigaw agad ni Akira matapos niyang isalampak ang sarili niya sa sofa.

Kakauwi lang namin galing sa Golden Fang Academy. Wala naman ding masyadong ginawa sa mga subjects namin pero kung umasta sila ay parang ang dami nilang ginawa.

"O, anong nangyari sa panga mo, Lion?" napatingin agad kami sa pinto ng makita namin si Tita Margaret na may dalang tray na may lamang spanish breads at juice.

Agad naman siyang nilapitan ng anak niyamg si Vanessa para tulungang ilapag ang mga iyon sa lamesa dito sa sala ng pack house.

Napanguso naman si Damallion sa tanong nito, "Nothing Tita. May isang hayop lang na walang magawa at ako ang napagtripan.."

Natawa naman sina Damari, Akira at Vanessa. Samantalang inirap ko na lang ang mata ko sa kawalan.

Ang childish pa rin talaga nitong si Lion.

"Really? Edi gumanti ka?" seryosong tanong ni Tita.

Nagkibit-balikat si Damallion bago umupo sa tabi ni Austin.

"Hindi, Tita e. Duwag. Tumakbo agad.." maloko niya pang sinamahan iyon ng facial expression na dahilan nang lalong pagtawa nina Akira.

Ang bababaw talaga ng kaligayahan ng mga ito.

"Hmm. Anyway, kukunan na kita ng cold compress nang mawala na iyang pasa sa panga mo.." nakangiting saad ni Tita na animo'y parang alam na kung ano ba talaga ang tinutukoy ni Damallion sa kwento niya.

"Nah, si Lana na ang gagawa niyan, Tita.." nginisian niya ako nang madilim ko siyang nilingon.

Naghiyawan naman sina Damari dahil sa hirit nito. Alam naman kasi nila na may history kami ni Damallion.

"Bakit ako ang inuutusan mo?" mataray kong tanong. Nakangiti naman siyang sumandal sa sofang kinauupuan niya.

"Kasalanan ng hayop mo kung bakit ako nagkaganito di'ba?" napairap tuloy ako sa sinabi niya.

Daming dama nito!

"Kasalanan niya. Hindi ako.." matigas kong sabi. Pakialam ko ba doon?

"Hmm. Ako na ang kukuha at nang matigil na kayo.." natatawang sabi ni Tita Margaret sabay takbo na papuntang kusina.

Bigo namang suminghal si Akira, "Tsk. Mahina si Lana! Hindi pala kayang akuin ang ginawa ng hayop niya!"

Natawa naman si Vanessa.

"Shut up, Aki. Wala akong pakialam do'n.."

"So unprofessional, Your Majesty.." mimic naman sabi ni Damallion kaya nilingon ko siya ng nakakunot-noo.

"At bakit?"

"Kasi hindi mo pa rin ako kayang lapitan ng malapitan.." tumindig ang balahibo ko dahil sa biglaang mind link niya sa akin.

Nakita ko rin na nag-iwas siya ng tingin at ipinukol na lang ito sa kisame ng first floor ng pack house at malungkot na ngumiti sa kawalan.

Hindi ko tuloy maiwasang maguilty.

Simula kasi noong umamin siya ng mga hinanakit niya sa bond namin ni Alexus ay hindi ko na nga siya gaanong nilalapitan kumpara sa una naming pagkikita matapos ang tatlong taon.

Ano nga bang nangyari? Akala ko, nawala na iyong ilang sa pagitan namin pero mali pala. Nandito pa rin iyong lamat. Iyong nakaraan. Gano'n at gano'n pa rin ang issue.

Heartless (Cursed Wolves Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon