''Sunny, stop being so immature.'' Napakagandang bungad pagkagising mo palang sa umaga. Eh pano ba naman kasi ayoko nga pumasok sa school ngayon kahit first day na first day.
''Ma, ayoko nga pumasok ngayon. I'm too tired to socialize with people right now.'' True. Mas gugustuhin ko pang matulog at kumain kesa makipag-plastikan sa mga schoolmates ko na walang ibang ginawa kundi magpaganda. Such a waste of time.
''Go and eat your breakfast! Papasok ka ngayon whether you like it or not.'' Ano pa nga bang magagawa ko? Isa nga lang pala akong encoming college student na kasalukuyang 4th year highschool ngayon at isa si mama sa mga nagbabayad ng tuition fees ko kaya wala akong karapatang tumanggi sa mga gusto nya.
After eating my breakfast, I prepare myself before going to school.
''Bye, Ma!' I kissed her cheeks.
Nakita kong nag-sisibabaan na ang mga kuya ko sa hagdan.
''Himala! Papasok ka ngayon first day of school, dati pumapasok ka after a week eh.'' Sabi ni Kuya Lance habang pinipigilan ang tawa.
''If i know magdi-ditch ka lang mamaya eh HAHAHAHA'' Sabat ni Kuya Raphael habang tumatawa na nakatingin sakin. Asshole.
I glared at him.
''Shut up, bago ko pa kayo sikmurahan isa-sa!''
''Woah! Chillax sis, i'm just stating facts psh'' Sabi nya habang kumakain sa lamesa.
''Tumahimik na nga kayo dyan! Sunny, umalis ka na baka ma-late ka nyan.'' Mom said in a gritted teeth. Scary.
On my way to school I received a text from Kirsten
''Hey, kanina pa ko andito sa tapat ng gate! Can you please run? or whatsoever i don't care.'' What a great greeting from a great friend. Di ko na ni-replyan tutal malapit narin naman ko sa school.
''Hey, Kirsten!'' I saw her and immediately hug her. I missed her so much.
''OMG, buti naisipan mong pumasok ngayong first day? You always go to school on second day, what a weirdo.'' Sabi nya ng naka-crossed arms.
''Kailangan narin siguro kasi 4th year na ko.'' I said smiling.
''Baka mamaya maisip mong mag-ditch mamaya ah!'' Sabi nya nang naka-crossed arms.
''Stop talking and buy me those cotton candies.'' Hinatak ko na sya sa tindahan ng mga cotton candy.
''Hayy, ano pa nga ba? psh'' Kunwari pang ayaw, bibili din naman.
Umupo kami sa may bleachers nang biglang nag-ring ung bell ibig sabihin kailangan nasakanya-kanyang silid na ang mga estudyante.
Umupo ako sa may bakanteng upuan. Dumating narin ung teacher namin.
''Goodmorning Class, Since this is our first day wala na tayong introduce yourself sa harap kasi I want you to communicate with each other nicely. ''
Tapos pinaliwanag na ni Ma'am Miranda ung mga rules and regulation ng school na to pati narin ung Do's and Dont's.
Habang nagpapaliwanag si Ma'am Miranda may nahagip ang paningin ko ung lalaki sa may kaliwa ko na kanina pa nakatingin sa may gawi ko or not, err baka nag-aassume lang ako?
Hanggang sa matapos si Ma'am nakatingin parin sya sakin. Kinausap ko na.
''Uhmm, excuse me? Pansin ko lang bakit kanina ka pa nakatingin sakin? May problema ba sa mukha ko?'' Sunod-sunod kong tanong habang nakakunot ang noo.
BINABASA MO ANG
Endless Chase
RomanceI'll chase you forever if that is the reason to be with you until my last breath.