Jeriel's POV
NAGHINTAY MUNA ako ng ilang minuto bago bumaba.
"Mamaya gala tayo mga 'te! May food fair mamaya sa bayan."
Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko ang boses ni Joshua.
"Really? What time tayo pupunta?" excited na ani ni Kristal.
"Hmm... mga alas kwatro na lang ng hapon para dire-diretso na hanggang gabi."
Napatango na lang ang dalawa bilang pagsang-ayon. Oo nga pala, piyesta ng Alaminos ngayon. Every March of 13 they having a food fair.
"Hey Je! Sama ka mamaya?" pag-aaya sakin ni Baks.
Gusto kong sumagot ng oo kaso naalala ko noong nakaraang taon, sumakit ang tiyan ko dahil sa isaw. Sa dami naming magkakasama ako lang talaga ang nakaramdam non.
"Let me think about it." ngumiti ako sakanya.
"Nice, umi-english ang ate mo! Haha." saad ni Baks.
Dumiretso na ako ng labas para magkapagsipilyo. Itong bahay kasi nila lolo may kusina pa sa labas. Malaki ito kung tutuusin. Sa labas may cr rin.
Iba talaga ang ambiance kapag sa probinsiya. Walang hassle, nakakagood- vibes kumbaga. Dati- rati noong mga bata pa kami.. ako, sila kuya, ate at mga pinsan ko laging excited kami pag nagbabakasyon dito.
Kapag wala kaming ginagawa sa bahay umaalis kami para magpunta kila tita Neneth. Kapag nga'y nakikita kami ng mga taga roon laging sinasabi ay "nandiyan na ang angkan ng Sandoval".
Ngayon kasi some of my cousins are busy to their work especially they have their own family. Pati na rin sila kuya we don't have time to bonding.
I missed that moment. Hay!
"San ba nakalagay yung gatas?" tanong ko sa 'king sarili.
Inisa-isa ko lahat ng garapon na kulay puti dapat ang laman. Pero coffeemate, asukal at asin lang nakita ko. No choice kailangan kong lumabas para bumili.
Pumasok ulit ako sa loob kung saan nandoon sila Irene. Mukhang wala pang balak magsialmusal ang mga 'to. Si Baks nanonood ng paborito niyang palabas na Jimmy Neutron. Si Irene naman may nakasalpak na earphone sa kanyang tenga at si Kristal... ayon nakatunganga.
Umakyat na lang ako para kumuha ng pera. May times na gusto kong uminom ng gatas pero mas lamang na energen lang lagi.
Hindi naman ganon kalayo ang tindahan dito. Almost 20 steps simula sa labas namin hanggang dito.Ganon lang kalapit.
As usual yung kapit- bahay namin ang aga- aga nagpapatugtog na. Wala ng bago doon.
"Pabili po..." tinoktok ko pa yung sampung piso na hawak ko para mas rinig na may nabili.
Ayoko sa lahat yung paulit- ulit akong nagsasalita lalo na pagbibili ako.
"Pabilan----"
"Ano yon?" lumabas ang isang babae na kagagaling lang ata sa hilamos.
"Uhm.. bearbrand nga po isa lang." Kasabay non ang pag-abot ko ng bayad.
Agad naman ibinigay sa'kin ng tindera ang binili ko.
"Sukli mo!!" padabog niyang ibinaba ang pera.
Napakunot- noo na lang ako. Ang aga- aga badmood, ah.
Pagdating ko sa bahay abala sa paghahain sila Kristal. Akala ko ay wala silang balak magsikain.
"San ka lumarga ate?" tanong sakin ni Baks.
BINABASA MO ANG
Sincerely Truly And Yours (STAY)
Novela Juvenil"If there's someone I want to be with, that is a man can heal my broken heart. I need someone willing to give his heart and soul to me. A man that makes me feel complete, can stay with me no matter what happens and sincerely truly mine." - J. Sandov...