Chapter 1

16 1 0
                                    

JERIEL'S POV

HINDI KO maiwasang mapangiti habang nakatingin sa mga isla naming nadadaanan. Halos tatlong pu't minuto na rin ang nakakalipas nang mangyari ang hindi ko inaasahan. Ang totoo ay natakot rin ako. Hindi ko naman talaga balak maligo, gusto ko lamang ay magtampisaw.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

Wala akong maisip na gagawin habang nakaupo ako sa cottage. Tanging pinagmamasdan ko lang ang mga batang naghahabulan, lumalangoy at naglalaro ng volleyball.

Ang saya naman nila. Habang ako dito nagmumukmok.

Ang sarap bumalik muli sa pagkabata. Yong panahon na wala pang iniisip kundi kung paano makakatakas kay mama pagpinapatulog ako. Yong panahon na tuhod pa ang nasusugatan hindi ang puso.

Ibinaling ko na lang ulit sa mga bata ang sarili ko. Nagpaiwan ako dito habang ang mga kaibigan ko naman ay pumunta sa statwa ni Manuel Quezon para magpicture.

Inip na inip na ako kaya naisip kong imbes na umupo lang  doon ay magtatampisaw na lang ako. Sayang din naman ang binayad ko kung hindi ko man lang eenjoy-in 'to.

Nagsimula na akong maglakad. Hapon narin naman kaya hindi na mainit ang buhangin. Kulay puti at pinong- pino ang itsura ng buhangin. Kung dati ay nakikita ko lang ito sa mga poster, ngayon ay nakapunta na ako.

Tanaw hanggang dito ang iba pang isla. Napili ng mga kaibigan ko na rito sa Quezon Island kami maligo. Malawak at kulay asul ang dagat. Nasa bangka pa lang ay kitang- kita na ang mga makukulay na coral reefs, iba't ibang hugis at uri ng mga isda at mga seaweeds na palutang lutang sa karagatan.

Tama yan Jeriel. Ituon mo na lang sarili mo dito. Enjoy-in mo lang ang moment na 'to.

Dinadama ko ang hanging humahaplos sa aking balat. Sariwang- sariwa ito hindi katulad ng hangin na malalanghap mo sa siyudad na mapolusyon dala ng usok ng mga sasakyan.

Dirediretso lang ang paglakad ko hanggang sa mapadako ako sa bandang malalim na ang tubig. Aalis na sana ako nang biglang nangimay ang aking paa. Kapag gagalawin ko ito ay nawawalan ako ng balanse. Saktong may malakas na alon ang dumaan sakin. Hindi ko maiwasang mapasunod sa direksyon ng alon.

Nanginginig na ako hindi dahil sa kaba kundi sa lamig ng tubig na aking nadarama. Nararamdaman ko talagang umaakyat hanggang ulo ang dugo ko.

Sa pag-usad na ginagawa ko, hindi ko namalayan na umabot na hanggang leeg ang tubig hindi katulad kanina na hanggang dibdib lang.

Ramdam kong may matulis at matigas na bagay akong naapakan ngunit hindi ko iyon ininda.

Tila nabibingi ako. Walang akong marinig na kahit ano sa paligid. Marami na rin akong naiinom na tubig. Iwinagayway ko ang kamay ko baka sakaling may makakita sa akin. Paulit- ulit ko iyong ginagawa, nangangawit na rin ang mga kamay ko. Hanggang sa hindi na ganoong malinaw ang nakikita ko. Dahil siguro narin sa tubig na pumasok sa mata ko.

Mahapdi iyon, sobra. 'Di ko maimulat ang dalawa kong mata.

Ilang minuto na rin ba akong nasa ganitong kalagayan? Hindi ko na alam. Basta nagfaflashback sa isipan ko iyong panahon na kasama ko ang aking pamilya at yo'ng mga kaibigan ko.

Hindi ko na kaya. Nanghihina na rin ang katawan ko.

Lord, help me please!

Bago ako mawalan ng malay. Nagawa ko pang tumayo at nakita kong tumatakbo palapit sa akin ang mga kaibigan ko.

"Oy! Tulaley ka diyan."

Nagulat ako ng biglang may humampas ng likod ko. Pagtingin ko si Baks lang pala.

Sincerely Truly And Yours (STAY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon