4th Quarter: Free Hug

6.3K 44 11
                                    

Shae’s POV

Today is another day. Everyday akong swerte.. kasi, sa araw araw na ginawa ng Diyos, di ko pa nakikita yung si Kaile at yung babae. Thankful ako kasi after nung break up di ko alam kung pano siya haharapin.

Siguro next time na lang. Haha. Ika nga “Time will tell.” And “Time heal all wounds.” Time lang naman ang kailangan ko e. 

I‟m on the way to school now. Sociology class. Ewan ko ba kung bakit andaming mga minor subjects, kesyo may minimum requirements daw for GE (General Education) subjects. Pero, our curriculum is above the requirements. As in, nasobrahan na kami.

Pero buti na lang walang RE (Religion) subjects na required. Yung Kingdom of God at

Palestine. Shocks! Okay na sakin ang Philo18(Christ‟s life at about sa bible stories) at Psycho21(The Sacraments). As in solve na ko dun. Wag na nga lang dagdagan at sobrang HOLY ko na pag nagkataon.

 So, ayun nga. Papasok na ko. Bumaba na ko sa sasakyan. Nag commute lang ako ngayong araw. Hehe. Poorita mode ang Lola niyo.

 Naglalakad na ko. Maikli lang naman lalakarin ko eh. Mga ten steps lang. Di ako sa main gate dumaan, mas malapit yung building ko sa gate 2 eh. So, ganun talaga.

 Medyo pataas na pababa yung daanan. Alam mo yung daanan na dinadaanan ng mga naka wheelchair? Yung parang slide? Ano? Gets mo na? Ganun yung daanan.

 So, di naman siguro nakakapagtaka na sa pagiging clumsy ko na tao madulas ako diba? Di naman siguro bawal madulas. Uso kaya.

“Ayyyyyyyyyyy!” Sigaw ko. Medyo pa.split kasi yung pagkakadulas ko. Shit. Ang gandang pangyayari para umpisahan ang araw ko. 

Rush hour yun men. Oras ng mga estudyante sa pagpasok. Shet! Ang kahihiyan. Hindi yung sakit ang una mong maiisip kundi yung kahihiyan na inabot mo dahil sa sitwasyon na yun.

Actually, yung mga tao hindi naman tumawa. Discreet naman sila sa pagpapakita ng katuwaan nila sa nangyari sakin. May patakip takip pa sila ng bibig nila eh kitang kita naman sa mata nila na natatawa talaga sila.

 Shit. 

Eh, di tumayo na ko. Eh, sa walang tumutulong eh. Ano? Maghihintay ba ko ng Prince Charming? Ano „to katulad nung sa palabas na hindi matutuloy yung pagkahulog dahil may kamay na tutulong? O kaya naman after ng kahihiyan merong mag aahon sa‟yo dun? Ako ay isang damsel in distress ganon? Kalokohan! Wala ng Prince Charming sa mundo.

Eh di magsarili na lang ako. Kung walang tutulong eh di.. Tutulungan ko ang sarili ko.

Tignan mo yang si Cent nasa likod ko lang pala. Di man lang ako tinulungan. Anong klase siyang lalaki? Porke di niya ko kilala, di na niya ko tutulungan. Ah! Tinulungan niya pala ko before.. tinakpan niya yung mata ko. Yung inosente kong mata.

 Oo. Di niya talaga ako kilala pero ako. Kilala ko siya.

Kilalang kilala.

Nung bumisita kasi ako kay Cash nakita ko yung picture nila. Sila may picture sa pad niya samantalang ako na kapatid niya walang picture dun. How nice naman diba? Kainis kasi si Cash. Sabi ko kasi ipakilala niya ko kay Cent, antigas ba naman na HINDI at AYAW KO ang sagot. Takte! Ayaw ba niyang may kaagaw siya kay Cent? Bakla ba sila?

 Wag naman sana! Sayang genes noh. Oo pala. Pwede bang bakla ang may girlfriend? Taken si Cash. Kinuha ni Kate eh. ATA. Malanding kaibigan!

Back to reality. Nilagpasan lang ako ni Cent. Bastos ay. Di man lang niya tinago yung pag ngiti niya. Kahit di niya ko nilingon. Alam ko. Halata ko sa kanya yung pagngiti niya.

So after how many years. Nakarating din sa room. Sociology Class. May activity pala kami. We will go around the campus. We will offer..

FREE HUG.

Requirement eh. Bale, nakasuot kami ng necklace na may colored paper na printed with FREE HUG. So gay.

Tapos sa may di kalayuan. I saw a man. Nakaupo siya. Malamya siya na kahit from a distance, makikita mo yung sadness niya. Sadness was written all over his face. Ibang iba sa mukha niya kaninang nadulas ako.

Is this the real Cent Crawford? That is when I decided na he needs a hug. Parang kailangan niya ng karamay. I don‟t know what has gotten to myself that I immediately headed to his bench and hugged him right away.

Feeling ko kasi yung hug ko makakatulong sa kanya yun. Parang saken.. if only. If only may tao nun na yayakap sakin. Kahit walang sasabihin yung isang tao sayo eh. As long as yung presence niya ramdam mo. Enough na yung alam mong may karamay ka. Yung handang mag extend ng hand sa’yo if you need help. Mag lend ng ears sa’yo if you need someone to talk to. Yung hands na magtatap sa shoulders mo making you feel everything is allright. And yung mag ooffer ng hug to let you feel the warmth sa iyong cold atmosphere.

Just A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon