Last Quarter: Epilogue

5.8K 88 47
                                    

After 1 month

"Condolence Shae."

"Condolence Shae."

"Condolence Shae."

"Condolence Shae." "Condolence Shae."

Paulit ulit ko yang naririnig. Simula pa kagabi yan na ang sinasabi sa akin ng mga tao sa paligid ko. Cash and my friends were there to be with me para alalayan ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Sa mga masasakit na pangyayari sa buhay ko.

"I'm so sorry Shae that this happenned to you." Sabi ni Kate saka niya pinat yung likod ko. "Iiyak mo yan friend." Dagdag niya.

Naiiyak ko na lahat. Ayoko na. Pagod na ako. Ubos na yung luha ko. 

Gusto ko na lang maging bato at kalimutan ang lahat ng mga 'to. "Bakit kapag iiyak ba ako mag iiba ba ang nangayari? Babalik ba siya? Mabubuhay ba siya? Hindi naman diba? So, bakit pa ako iiyak kung wala namang maitutulong." Bitter kong sabi saka ako ngumiti ngg mapait. 

"Pero at least maaalis yung bigat sa loob mo." Sabi ni Kate sa akin. Maalis nga ba? Hindi eh. Mapapawi ba ang sakit. Hindi naman eh.

"Oo na lang." Sagot ko para tigilan na niya ako.

"Anak.." My Mom called my attention. Kararating lang niya. Hindi niya alam ang buong kwento. Tinignan niya ako ng may galit at awa. "Bakit mo nagawa sa sarili mo ito 'nak? Kala ko hindi ka gagaya sa akin?" 

"Ma. Hindi ako gumaya sa'yo. Namatay kasi anak ko. Sa'yo nabuhay ako. Yun nga lang, pareho tayong iniwan ng nakabuntis sa atin." Mapait kong sabi.

Natigagal si Mama sa sinabi ko. Nung makabawi siya saka niya ako sinampal. "Bakit ganyan ka? Nasan na yung anak ko?" Tanong niya sa akin.

Tingin ni Mama sa akin iba na. Hindi na nga ba ako yung anak niya? "Ma. Ayoko ng maging mahina."

Niyakap ako ni Mama. "Sshhh. Baby...." Bulong niya sa tenga ko. Parang yun yung nag ignite ng pag iyak ko. Humagulgol ako sa shoulders ni Mama. Para akong bata na umiiyak sa nanay niya at nagsusumbong sa mga nangyari sa akin at gustong pagbayarin yyung nanakit sa akin. Kay Mama ko ibinuhos lahat ng sakit. Lahat ng bitterness na kinimkim ko nung umalis si Cent.

Oo, umalis siya. Ang balita ko lumipad siya patungong States the following morning he left me. Hindi ko na iniyakan yon. Tinawanan ko pa. Ganun ba siiya katakot na pikutin ko siya? Seriously. 

"It doesn't mean na kapag umiyak ka mahina ka na. It means you're strong enough to face it. Lilipas din ang sakit 'nak. Bata ka pa. Marami pang darating." Sabi ni Mama.

Marami ngang darating. Mag oopen up pa ba ako?

Mas masakit yung ngayon compared kay Kaile.

Isang rason na siguro na mas mahal ko si Cent kay Kaile. At yung isa dahil walan papawi nun. Hindi naman kasi nawala yung sakit, naitago kumbaga nung kay Kaile eh. Napawi lang because of Cent's presence.

Napatungan lang yung lungkot ko ng saya.

Pero dahil iniwan ako ng rebound na minahal ko nabuksan lahat yung mga unhealed na sugat. Kumbaga the pain was just prevented but not healed or corrected. 

Ang rebound sa basketball lang. Wag itong isali sa pag iibigan dahil mas gugulo lang.

Hindi lang basta magulo. Mas masakit para sa mga taong involve.

Masama bang pangarapin na sana hindi lang ako ang nasasaktan?

Na sana siya rin nasasaktan the way na nasasaktan ako?

Just A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon