3rd Quarter: Best friends lang

7K 63 3
                                    

Kate’s POV

Kaibigan ako nung bida. Best friend ako ni Shae Bustos. Kaso, bakit di niya sinabi sakin yung nangyari? Lahat ng bagay kwinekwento saken nung babaeng yun, alam ko lahat ng nangyayari sa kanya kaso itong ngayon, tahimik lang siya sa nangyari, eh ang akala ko ikwekwento niya kaagad sakin. Kaso hindi eh.

 Nag antay pa man din ako na maglabas siya ng sama ng loob kaso namuti mata ko. Wala ko nasagap sa kanya. Chismosa ba? Uy. Hindi ah. Concerned best friend lang.

 Hindi naman sinasabi ko na hindi pa siya nakapag let go, pero kasi IBA siya these past few days or weeks. Kasi naman si Kaile eh. Leshe talaga yun.

 Nakikita ko naman na nagmomove on siya. Kaso ang gusto ko magalit siya. Hindi yung accepted niya na kaagad kasi parang may mali naman kung ganun. Kaya dapat magalit muna siya. Naiiyak niya na yung sakit, kita naman sa mugto niyang mata. Kaso gusto ko magalit pa siya.

 Basta! Dapat magalit siya. Magalit siya kay Kaile. Magalit siya sa nangyari. Magalit siya sa mundo. Sa rami ba naman ng tao eh, bakit nataon pa sa isang gaya niyang masayahin at mabait yung ganung klase ng lalaki diba?

Actualy, hindi naman kailangan ni Shae na ikwento sakin ng bongga yung nangyari eh. Kasi naresearch ko na. Kaso, gusto ko manggaling sa kanya mismo. Ayokong solohin niya lang yung sakit. Mas magandang mai voice out niya yun.

 Sakin lang naman magkwekwento yun eh. Pati na rin kay Chit. Wala kasi siyang kapatid na babae. Pero may Kuya siya. Gwapo pero..Taken na eh.

Haha! Taken by me, of course!

 Or not.

 Si Cash. Cash dela Vega. Magkaiba talaga sila ng apelyido. Magkapatid lang sila sa Dad. Pero, bakit hindi pareho ng surname? Kasi, yung surname ng Mon ni Shae ang gamit niya. 

 

Cent’s POV

I prepared everything that night. Lahat lahat ng alam kong magugustuhan niya, yun ang sinunod ko. Nagpahanda ako ng date para samin. Para sasabihin ko sa kanya na

Pwedeng tayo na lang?

 Kaso, hindi ko pa nasasabi inunahan niya na ko.

 “Cent, alam ko yang sasabihin mo. Pero bestfriends tayo diba?”

Nasabi niya na. Best friends lang kami. Aangal pa ba ko? Mas mabuti pang wag na lang umimik. Di pa ko nakakabwelo. Di ko pa naiisip kung pano ang tamang salita para masabi ko sa kanya yung sasabihin ko. Di ko pa nabubuka yung bibig ko kaso.. Supalpal na kaagad ako.

Best friend ko si Cam. Ideal girl ko nga eh. Mabait siya. Maganda. Hindi pala ideal girl. Dream girl, hanggang panaginip na lang e.

Bingi ako sa mga nagsasabing walang kwenta ang ganda niya kasi wala siyang utak.

Pero gusto ko siya. Gustung gusto. Kaya nga umabot ako sa pagtatapat eh.

Pahamak yung gagong si Cash. Sabi niya may gusto rin sakin si Cam eh. Naniwala ako sa kanya. Ang laki kong gago.

Kung san masaya at komportable si Cam, dun ako. Basta kasama ko siya, dun ako. Kung nasan siya, dun ako.

Putang*na! Walang kwentang kabadingan.

Cash’s POV

Sino kaya mas gwapo samin ni Cent? Pareho naman kaming pera eh. Sino mas mahal samin? Sentimo lang siya. Cash ako men. Cash.

Ako siguro mas gwapo. May girlfriend ako eh. Marami! Siya, wala. 

Mas sikat nga lang siya. Basketball player eh. Tss! Nakakalalaki daw yun. Ayoko nun. Pagpapawisan lang ako. Babaho ako. Baka di na ko yakapin ni Kate pag nangyari yun.

Nabalitaan ko pala yung nangyari sa utol ko. Ipagtatanggol ko ba yun? Upakan ko na kaya yung ungas na nang gago sa kanya?

Ah, baka madungisan lang kamay ko. At saka ayaw ni Shae pag nakipag away ako. Ayaw niyang ipagtanggol siya kasi..

Kaya niya ang sarili niya. Malakas siya. Yun ang paniwala niya at isinaksak sa gwapo kong utak.

Tanggal na ang problema ko kay Shae kaso „tong ulupong sa harap ko, nabagsakan ng langit at lupa.

Seryoso ba „to sa babaeng yun? Mahal kaya niya talaga yung best friend niya? Nakiuso ba naman kasi sa mga mag bestfriend na nagkagustuhan. Eh, yun ang sabi niya eh. Eh di paniwalaan.

 Tinulungan ko na siya sa pagpaplano kung pano niya mapapasagot kaso palpak daw eh.

 “Palpak ka magplano Cash.” Reklamo ni Cent sa akin. Tignan mo itong dukhang ito, lakas makareklamo. 

“Aba! Buti nga may plano, eh ikaw Pare?” Tanong ko naman sa kanya. Kung wala ako wala naman itong magagawa e. 

“.....” 

“Anong sabi ni Cam sa proposal mo?” Tanong ko. Tahimik ang gago.

“Wala Pare eh. Ayaw niya. Friends lang daw.”  Nakakagago niyang sagot.

“Yun lang? Nag effort ka pa. Pakipot lang yun Pare.” Pampagaan ng loob kong sabi.

 “Eh Pare pano kung mali pala yang napapansin mong may gusto rin siya saken? Pano kung wala pala talaga?” Walang tiwalang tanong nito sa sarili. 

 “Pare, halata namang may gusto sayo yun eh. Kailangan nating makaisip ng paraan.” Sabi ko para pagaanin ang loob niya. At, iyon din naman sa tingin ko ang totoo. 

Mahahalata naman na gusto nung Cam itong si Cent eh. Ayaw pang umamin. Mga babae talaga. Baka gusto niya mahabang ligawan. Hindi na uso yun. Hanap. Usap. Deal. Na ngayon.  

 Kailangan kong paganahin yung henyo kong pag uutak. Alam ko na!

“Pare pagselosin mo siya.” Ang henyo ko talaga. Nakaisip na naman ako. Inutil mag isip „to. Mahina pa si bata kaya di siguro niya napa OO yung chicks.

“Pano? Ano ibig mong sabihin?” Tanong ni Cent. Mahina nga.

“Maghanap tayo ng babae na pwede.” Henyo kong sagot.

“Kailangan bang ipaalam dun sa babae?” Tanong niya.

“Depende. Pare, bahala ka na diyan. Sinabi ko na sayo yung gagawin mo. Labas na ko diyan. Alis na ko dito sa school nyo. May klase pa ko. Baka may  makakita pa saken.” Paalam ko. Baka makita ko ng utol ko, sabihin pang di na naman ang nagklase. 

 Aba siya na maghanap. Diskarte na niya yun. Yakang yaka naman na nya yun siguro. Bah! Bahala na siya. 

 Ano 'to. Ako mag iisip eh extra lang ako dito? Isisingit singit lang naman ako dito eh.

 

Just A ReboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon