" I'll never fall inlove with my bestfriend." I said to kendra as I rolled my eyes on her .
"ohcmon' Nase-sense namin yan. maybe not today but I know you, you'll for for him eventually. sino bang hindi? duh. kulang na lang hanggang bathroom sumama siya sayo at ganun ka rin sa kaniya. " kendra said to me .
" its normal kends. bestfriend ko yon since birth!"
"Normal? Normal sainyo yon? magbestfriend tayo pero hindi naman tayo ganon kahit pa pareho tayong girl."
"haynako. bahala ka." I said wala rin naman kasing mangyayari kung may sasabhin pa ako. hinding hindi naman ako mananalo dito sa babaeng to .
" Girl naman kasi daig nyo pa magjowa. kung hindi ko lang talaga alam na may nililigawan yang bestloves mo na yan iisipin ko na matagal na siyang may gusto sayo. "
tumahimik nlng ako . buti naman tapos na tong babaeng to hindi na dumaldal. pero mukhang mali ako mukhang di pa tapos ang pinaglalaban niya.
" Pero girl pupusta ako may isa sainyo ang mafafall , hindi talaga pwedeng hindi, kasi in a boy-girl bestfriend relationship meron at merong love dyan na madedevelop. " pagpapatuloy ni Kendra.
"haaaay! Kendra Elisse Montefalco ewan ko na sayo . bahala ka na sa gusto mong isipin. suko na ako sayo." sabi ko sa bestfriend kong makulit.
anyways ako nga pala si Zea Alexandria "ALEXA" Cheng , 19 years old . 4th year college sa One University taking Business Administration actually hindi ako masyadong okay with the business thingy na yan , hindi naman talaga sa ayaw meron naman akong pagmamahal dito kahit papaano pero yung puso ko talaga na sa pagluluto, pagbebake. pero what can I do? I was born to run or family business , anong magagawa ko kung anak ako nila Manuel and Emerald Cheng? na kilala dahil sa galing sa pagpapatakbo ng business. wala naman akong magagawa at ayoko rin naman na madisappoint yung parents ko. nagiisang anak na nga lang ako magiging suwail pa ako diba?
kaya eto I end up taking this path over my cooking career . okay naman din nagagawa ko rin namang mahalin na rin ang negosyo namin.
pinagpatuloy ko na lang yung pagrereview ko keysa pagiintindihin tong bestfriend kong si Kendra. kailangan ko maperfect tong exam na to , kahit naman ayaw ko sa prof. ko na to kailangan kong pumasa ayaw kong masira yung pinaghirapan ko . consistent president lister kaya ako no. sayang kung bubugnutin ko pa yung sarili ko . ilang buwan na lang pala matatapos na buhay estudyante ko hay. sana talaga pag graduate ko pagbakasyunin muna ako bago ko i-take over yung company namin.
"Best. Bessy Loves!" naririnig ko nanaman yung pamilyar na boses malayo pa yan pero rinig ko na .
" Oooooh. ang bessyLOVES mo andito na. kita moi ilang minuto palang tayo i mean ikaw nawawala sa paningin niyan ."sabi ni kends na diniinan talaga yung LOVES.
hindi ko nlng pinansin. mayamaya dumating na yung sinasabi netong si kendra
"Oh? bakit?" tanong ko sa bestfriend kong kadadating lang.
"Ano bayan Bessyloves. yan agad ang bungad mo sa napakaGwapo at napakaCharming mong bestfriend?"
-----
Bestfriends POV.
"Oh?" Bakit?" tanong ng masungit kong bestfriend. kahit masungit yan mahal ko yan. hindi pwedeng mawala yan sa paningin ko.
oh mamaya sabihin niyo MAHAL ko siya ah. mahal ko siya bilang bestfriend bilang younger sister halos hindi na kami mapaghiwalay niyan simula diaper days palang kaya nga sobrang protective ako diyan eh . sabhin lang niyang may boyfriend na yan . sasapakin ko talaga hindi pwede akin lang yan no.
" Ano bayan bessyloves yan agad bungad mo sa napakaGwapo at napakaCharming mong bestfriend?" pagmamayabang ko. bakit ba ? Gwapo naman talaga ako Charming matalino sporty. wala nang mahihiling pa kaya ewan ko ba kay Isha kung bakit di pa ako sagutin. Aish! Isha nanaman. papagalitan nanaman ako neto ni Alexa eh.
ako nga pala si DANE ALEXANDER "ALEX" MONTEFALCO . oh, baka matanong niyo kung bakit ko ka-apelido si Kendra na bestfriend din netong Bessyloves ko kasi nga pinsan ko si Kends. 20 years old na ko ahead lang naman ako ng months kay Alexa oh diba ALEX at ALEXA match na match alam niyo ba kung bakit? bukod sa bestfriend ko yan si AlexaSungit magbestbestbestfriend kasi mga parents namin kaya yon pati name namin ginawang match. 4th year din ako ,dito din sa One University same course kay alexa lahat ng bagay same kami pati family business parehas basta lahat ultimo schedule namin parehas sanay na kasi kami ni lexa na ganun simula pagkabata. kagagawan nung nanay namin na mga Dyamante , oo dyamante kasi kung yung mama ni lexa si tita emerald yung mama ko naman si Amber Montefalco oh diba ayaw patawad pero sa tatay naman hindi na pero bestbuddies din si tito manuel tska yung dad ko si Ric Montefalco isa lang naman ang nature ng business namin puro chains of hotels around the world makalaban sa business oo pero kahit anong gawin mo walang competition sa pagitan ng families namin.
"Napaka yabang mo Alexander!" sigaw sakin ni Alexa.
"Makasigaw naman to . eh bakit ba? masama na ba ang pagiging honest ngayon?" bawi ko naman sa kanya.
"Haynako Alexander kaya ka.." hindi na niya tinuloy pero alam ko naman kasunod nun eh kaya ako na nagtuloy.
"kaya hindi ako sinasagot ni isha?" mahinang sambit ko
"ikaw ang nagsabi nyan ah . hindi ako" sabi niya
isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ko.
" kasi naman bessy tigil tigilan mo na . alam mo naman na bitch yon eh." sabi niya.
"pwede rin ba alexa wag mo siyang sinasabihan ng bitch?" sabi ko sa kanya sa iritadong boses
" hay ewan ko sayo basta ako hindi ako nagkulang ng paalala. grabe nagagawa mo akong ganyanan ng boses dahil sa isang Isha Melendres. alam mo Alex hindi ko alam kung anong pinakain sayo niyang isha na yan, pero sa lahat ng bagay sa mundo yan lang ang hindi natin napagkasunduan ewan ko na nga sayo . sige alis na ko magrereview na lang ako kaysa makipagtalo sayo mamaya ISHANG BWISIT pa masagot ko sa exams ko mamaya." sabi niya sabay alis.
"Aish!!! ano ba naman alex alam mo ng ayaw ni Lexa ng ginaganun siya eh" mahinang pagalit ko sa sarili.
basta mamaya na nga lang ako magsosorry kay bessy alam kong magrereview pa siya baka mamaya pagsinundan ko magalit at bumagsak sa exam kahit alam kong di naman yun mangyayari kasi parang walking encyclopedia yan . matanggal pa yan sa president's list at sa list ng running for magna cum laude patay pa ako kay mommy.
hanga din ako diyan kay bessy kahit na hindi siya sobrang okay sa Business nagagawa parin niyang mag top galing niyan nagagawa niyang magstand out sa lahat ng bagay pwera nlng sa pagkanta at pagsayaw. super frustrated singer yan hahaha.
-------
A/N:
Hiii! So hows the first chapter? okay ba? Sorry yan lang nakayanan ko for this chapter kagaya ng sinabi ko sa A/N ko sisikapin kong magupdate madalas and sana maganda na takbo ng utak ko.
VOTE and COMMENTS guys!
sana may mabasa akong makapag push pa sakin sa pagsusulat .
Loveyouall! :*
-KiaAngela081998
BINABASA MO ANG
Almost is Never Enough
RomanceArranged Marriage and Best friend turned Lover story. Cliché right? pero kahit na ganun babasahin parin natin. kikiligin parin tayo . Paano kung isang araw pagising mo inlove ka na sa Boy Bestfriend mo? na isang araw may nagtanong sayo ng "bakit hi...