Chapter 10

6.1K 186 6
                                    

Madaling araw pa umalis na si Bemery sa bahay na iyon. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid dahil baka gising na ang binata. Nang makitang wala namang tao ay mabilis siyang tumakbo patungong dalampasigan at sakto namang may mangingisdang napadaan doon kaya sumakay siya rito upang makatawid sa kabayanan. Binigyan niya ng limang daan ang mag-amang mangingisda nang sumapit sila sa dalampasigan. Medyo madilim pa n'on kaya hirap siyang makahanap ng traysikel.

Naglakad na lang siya patungong highway. Nang makarating doon ay may mangilan-ngilan ng traysikel kaya sumakay siya nito at nagpahatid sa terminal ng bus. Naisip niya na kailangan na niyang umalis dahil naibigay na niya sa binata ang memory card. Hindi na siya nagpaalam dahil wala siyang mukhang ihaharap dito pagkatapos ng insidente sa komedor kahapon. Natanaw na niya sa di kalayuan ang bus terminal kaya inihanda na niya ang barya para pambayad. Nang makababa siya sa traysikel ay may isang lalaking nakamotorsiklo na huminto sa gilid niya. Hindi niya muna iyon pinansin hanggang nakuha na niya ang sukli mula sa drayber.

"Where are you going, Bem?"Kumunot ang noo ni Bemery hindi niya masyado maaninag ang mukha ng lalaki.

"It's me Urthur." nakangiting wika ng binata. Napangiti siya ng magsabi ito ng pangalan at napahinto.

"Ah, ikaw pala. Sorry hindi kita agad nakilala."

"Where are you going?" Nagtaka ito ng makita nito ang dala niyang isang maleta.

"Uuwi na ako sa Laguna. Babalik na ako sa trabaho tapos na ang bakasyon ko rito. Ikaw, anong ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" Ang totoo nagtataka rin siya kung bakit nandito ito ngayon.

"Galing ako sa pagjojogging. Nakaugalian ko na ito pagkatapos ay nagmomotor na ako pauwi."

"Ah, ganoon ba." Tumango siya.

"Puwede bang magkape muna tayo?" alok sa kaniya ng binata. Nag-atubili siya pero pinilit siya nito kaya napapayag rin siya. Dinala siya nito sa isang pastry shop na open 24 hours. Nagpresenta ang binata na ito na ang magdadala ng kaniyang maleta papasok sa establishment na iyon. Pumayag naman siya kahit nahihiya. Ilang sandali ang lumipas ay nilapitan sila ng isang waiter at umorder sila ng dalawang hot capucchino.

"So, college teacher ka pala?" pagkuwa'y baling ng binata sa kaniya nang makaalis ang waiter.

"Oo, Biology ang tinuturuan ko. I'm currently taking my Master's degree during weekends." nakangiting wika niya. Kampante at magaan ang loob niya kay Urthur. Nararamdaman niyang gentleman ito at magalang sa babae. Nase-sense niya 'yun sa paraan ng pakikitungo nito sa kaniya. Unlike Maximus, na hindi niya matantiya ang mood. Biglang nagagalit tapos tatahimik kinabukasa'y mabait na naman at sa susunod na araw galit na naman. Nakakaloka! At higit sa lahat, nanganganib ang kaniyang puso sa lalaking iyon.

"Bakit hindi ka dito magturo sa university na tinatrabahuan ni mama? I mean, so that you will stay here. They're hiring instructors now." Natuwa siya sa sinabi ng binata. Ngunit kahit gustuhin man niya, nakapagdesisyon na siyang lumayo kay Maximus. She wanted her life to be back in normal like they way she lived before she knew him. But she didn't know if her heart would cooperate in such decision.

"Naku, huwag na. I'm happy with my work there. Isa pa, nakakapagod mag-adjust sa new workplace at new workmates. By the way, about the incident, sorry talaga." nakangiting wika niya ngunit nahihiya. Dumating na ang kanilang order na kape.

"Okay lang 'yun. Totoo bang hindi mo boyfriend ang lalaking iyon?" Muntik na niyang mailuwa ang kapeng hinigop sa tanong nito. Mabuti na lang at napigilan niya. Matagal bago niya sinagot ang binata.

"I am his client. He's a police. May mga issues lang akong kailangan i-settle tungkol sa namatay kong pinsan that is why we're together." Matapat na wika niya rito pagkatapos ay napabuntung hininga. Tumango lang ang binata at humigop rin ng kape pagkatapos. Mataman siya nitong tinitigan.

Love To The Max ( An Action-Romance Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon