Chapter 7

7K 249 3
                                    


Kumunot ang noo ni Bemery nang tumambad sa kaniyang mga mata paglabas ng ospital ang isang makintab at itim na Isuzu D-max.

"Is this yours?" Binalingan niya ang nakangiting si Maximus. It had been two weeks since she was admitted at sa wakas ay puwede na siyang makalabas ngayon.

"Yeah! Halika na!" Binuksan nito ang pinto doon sa upuan katabi ng driver's seat.

"Wow! May rich friend na pala ako." natatawang wika ni Bemery. Umigting kaagad ang tenga ng binata sa nabanggit ng dalaga. Medyo nainis siya doon. Gusto na yata niyang singilin ito ngayon sa dugong ibinigay niya rito.

"Have you moved on?" Nagulat si Bemery nang tanungin siya ng binata nang nasa loob na sila ng sasakyan. Of all the questions na puwedeng itanong sa kaniya, bakit ito pa?

"Moved on from what?" Nagmaang-maangan pa siya.

"From Jack..." Hindi nga siya nagkamali sa kaniyang hinala na ito nga ang tinutukoy nito. Sa halip na sumagot siya ay isang blangkong mukha ang ipinakita niya rito.

"Thanks for saving my life." Iyon ang mga katagang lumabas sa kaniyang bibig.

"Hindi 'yun libre noh!" Nakangising wika ni Maximus at pinaandar na ang sasakyan. Nakita niya mula sa rearview mirror ang pagkunot ng noo ng dalaga. Natawa siya.

"Joke lang! Pero may hihilingin sana ako."

"Alam mo hindi nakakatawa 'yung mga joke mo. Nakakatakot nga eh. By the way, hindi pa ba tayo aalis?" Kanina pa nagtataka ang dalaga kung bakit hindi pa niya pinatakbo ang sasakyan.
"Aalis tayo pagkatapos nito."

Bago pa ma-absorb ng utak ni Bemery ang sinabi nito ay lumapat na ang mga labi ng binata sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa ginawa nito. Napa-awang ang kaniyang bibig at natulala siya. Kay suwabe nitong humalik at naamoy pa niya ang mabangong hininga nito. She never felt that way when Jack kissed him long ago. There was something in his kisses that fill inside her.

"Hayaan mo lang ako please. I need to confirm myself."

Nilayo nito ng bahagya ang sariling mukha sa kaniya ngunit bago pa niya maintindihan ang mga ibinulong nito ay naipaglapat na muli nito ang kanilang mga labi. Biglang rumagasa sa kaniyang sistema ang kakaibang sensasyon na sa lalaking ito lang niya unang naramdaman. Wala sa sarili siyang napapikit at napakapit sa braso ng binata. Their kiss lasted for a while. Their eyes met when their faces were inch away and her heart beated extra ordinarily. Una siyang nagbawi ng tingin sa binata. Hindi niya kayang makipagtitigan dito ng matagal.

"I think I am certain now." Inilayo na ni Maximus ang sarili at pinatakbo na ang sasakyan. Sinulyapan niya si Bemery.

Nakatuon ang pansin nito sa labas ng bintana sa gilid nito. He smiled. Sa ilang araw na kasama niya ang babae, may nadiskubre siya tungkol sa sarili. In the first place, he was hesitant and doubtful. However, his heart grew fonder every morning she waked up and their eyes met. There was something in him that he needed to verify. And it was the kiss that sealed the fact.

Napakunot ang noo ng dalaga nang mapansin na ibang daan ang tinatahak nila. Hindi iyon papunta sa kaniyang bahay. Nilingon niya ang binata. Nahihiya sana siyang magtanong pero kinakailangan.

"Are we going somewhere?"

Imbis na sumagot, tumango lang na nakingiti si Maximus.

"I think this is not a good idea. I mean, I need to report to the office tomorrow." mahinang wika ni Bemery. Presko pa ang kaniyang operasyon pero kaya na niyang i-handle ang sarili.

Balak niyang pumasok sa opisina bukas dahil ilang linggo na siyang absent at walang ipinasang leave form. Nag-aalala siya dahil baka masisante siya o kaya'y pagalitan ng dean.

Love To The Max ( An Action-Romance Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon