Author's Note:
Dear readers I want to offer this new story to all of you lalong-lalo na 'yung mahilig sa action romance. Parang K2 at Healer lang ang peg. Yeah! I'm a fan of Ji Chang Wook. Baka naman ma-bore kayo along the way to chapter 1. Huwag kayong mag-alala magkikita na sila sa chapter 2.Please do not forget to hit vote and your comments. Salamuch!
------------------------------------------------------
"Na track mo ba Ken kung saan ang coordinates ng signal nila?" halos pasigaw na wika ni Maximus habang sakay ng kaniyang Montero Sport. Nasa kahabaan siya ng EDSA bandang Cubao at hinahabol ang isang Toyota Hi-ace van na lulan ang mga drug pushers na naka-eskapo mula sa nasunog na kulungan kagabi. Bigla kasi itong sumuot sa isang makitid na eskinita at nawala na lang bigla sa kaniyang paningin. Napamura siya tuloy. Nanggigil siyang diniinan ang silinyador ng sasakyan.
"Oo, Max. I-sesend ko sa iyo ang live streaming ng GPS nila!" sagot ng kasamahan niya na nakabase sa Cyber-crime division ng PNP at kasalukuyang tina-track ang direksiyon ng van. Palibahasa kasi bakit pa ngayon nagloko ang kaniyang GPS router at wala siyang magawa dito.
"Gaano na ba ako kalayo mula sa kanila?"
"Approximately nasa twelve kilometers southwest ka nila. Actually, malapit ka lang sa kanila kaso walang eskinita na maari mong madaanan. Halos commercial buildings kasi ang nasa pagitan ninyo."
"Shit! Ang chopper? Nakasunod na ba?"
"Oo kaso maraming tao at hindi agad masipat ng sniper ang sasakyan baka may madamay na sibilyan. Alam na rin kasi nilang may chopper na sumusunod sa kanila eh."
"Lintik na!" Tinapon ni Maximus ang cellphone sa katabing upuan. Bumaba siya ng sasakyan at iniwan ito sa isang gasoline station kung saan siya na tapat. Isa lang ang nasa isipan niya, kailangan siyang sumuot sa mga barong-barong na naroon dahil ito ang pinakamalapit na displacement na maari niyang tahakin upang maabutan ang sasakyan ng kalaban. Mabilis niyang tinalon ang isang pader na magdadala sa kaniya sa bubong ng mga barong-barong doon. Nainis pa siya nang mapadaan sa mga buhol-buhol na kable ng kuryente at muntik nang masagi doon sa isang live wire. Kung hindi siya nakalundag kaagad, tiyak na paglalayaman na siya pagdating ng gabi. Mula sa pagtatakbo sa mga bubungan ng mga bahay doon bigla siyang napahinto nang makitang wala na siyang madaanan pa. Sumapit kasi siya sa ilog na tambakan ng mga basura.
Nagpalinga-linga ang binata sa paligid at nakita niya ang isang makapal na alambre na nakakabit sa isang puno ng kahoy at nakadugtong sa rooftop ng isang convenient store. Kaagad niyang hinubad ang kaniyang jacket at ginamit iyon upang dumulas siya patungo doon. Saktong paglapat ng kaniyang mga paa sa palapag nito ay dumaan ang van na kaniyang hinahabol. Mabilis siyang tumalon mula sa itaas ng two-storey convenient store na iyon at pinaulanan ng bala ang mga ito. Gumanti naman ang mga loko at natamaan siya sa braso. Napamura siya. Bago pa nakaliko ang van sa isa na namang makitid na eskinita ay natamaan niya ang isang gulong niyon at salamin nito. Kasunod niyon ay dumating ang mga kasamahan niya sakay ng mga mobil nito. Nagkaroon na putukan at nagtakbuhan ang iilang mga sibilyang naroon. Ngunit na korner na nila ang sasakyan nito at tuluyang na-aresto ang mga sakay niyon. Sampung drug pushers pala ang lulan ng van at nakuha mula sa kanila ang limang kilo ng hinihinalang shabu at iilang pakete ng ecstasy. Aabot sa limampung milyon ang halaga ng mga nasabat nila mula sa mga ito.
---------------------------------------------------
Malungkot at tulala nang pumasok si Bemery sa kaniyang townhouse. It's been a year mula noong iniwan niya muna ang bahay na ito at nagleave sa trabaho. She spent that one year in crying and getting over from her heartaches brought by an aphrodisiac man which at first, she thought her prince charming. Muling nanariwa sa kaniyang mga alaala ang mga tagpong kasama niya si Jack sa lugar na iyon. Gusto na naman niyang umiyak at huli na nang mapagtanto niyang unti-unti na palang tumutulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Napakasakit pala talaga ng unang pagkabigo. Mabuti na lang at hindi niya naisuko ang kaniyang pagkakababae sa manyak at salawahang iyon. He didn't deserve it. Ang dapat sa kaniya ay 'yung mga babaeng pinagsawaan na ng iilang mga kalalakihan.
BINABASA MO ANG
Love To The Max ( An Action-Romance Story)
Narrativa generaleMaximus III Alcantara Bustamante, isa sa mga high ranked officials ng PNP Special Action Force at trainee ng isang international intelligence agency. Kailan man hindi siya nanligaw ng babae dahil ,in the first place, ang mga ito ang nag-eeffort para...