Action speaks louder than words, and I guess I was to blinded with the things you do to me, not noticing the words that were given to me by the people around me. To stop, to step aside. Because I was never, never enough.
Elementary palang- charot. Nung highschool pala tayo nagkakilala.
Tandang tanda ko pa yung araw na yun- excuse lang kasi mgsesenti yung bida- feeling ko matutunaw ka na kasi ang daming babaeng nakatitig sayo. Pati narin pala ako, hehe. Wala kang pinansin na kahit isa kasi ikaw yung taong ayaw ng atensyon. Yung mga lalaking ka-klase lang natin yung pinapansin mo kasi nakakasama mo sila sa mga camping sa Boys scout. Close kayo kaagad. Magkaiba kasi tayo ng elementary school noon.
Nung pumasok tayo sa classroom, agad akong naupo sa unahan pero sa pinakagilid. Magkasama kami ng isa kong kaibigan nun. Siya lang ata yung lalaking bumukod sa inyo maliban pa sa ibang may bestftiend na mga babae din. Dun kayo at yung iba pa sa likod. Mga lalaki kayo eh. Syempre, hindi mawawala yung seating arrangement tsaka yung introduce yourself. Unexpectedly, nagkatabi tayong dalawa. Nagkatinginan, pero feeling ko ako lang yung nakaramdam ng spark. Nagpakilala ka sakin, hindi ko nga in-expect na mapapansin mo ko.
"Hi! Ako pala si Ardien Job Arsenas."
"Yo. Meliessa Portuise."
Salamat sa Diyos at hindi ako nautal nung nagpakilala ako sayo. Kabang-kaba ako nun kasi sa unang tingin, akala ko ang suplado mo. Nginitian mo ko at na discover ko na may dimple ka pala. Ang cute cute mo pag lumalabas yung dimple mo at ngumingiti ka. Sabi ko sa sarili ko, mukhang mapapahamak ako.
Days passed, naging close tayong dalawa. Hindi ko alam kung bakit, paano at kailan pero palagi tayong nag-uusap pag nagkakasama tayo. Yung tipong hindi close sa chat pero sa personal, pak. Ang daldal mo nga eh. Because of your charms, many girls admired you, including me. Pero tinago ko, kasi alam ko na masisira yung friendship nating dalawa. Para hindi ako mahalata, tinulungan ko yung isa nating ka-klaseng patay na patay sayo. Crush na crush ka eh. Porket daw ang gwapo mo, gentleman, matalino, at pala-kaibigan. Ni-reto ko siya sayo hanggang sa kumalat sa buong classroom. Ok lang naman sayo, hindi ka naman nagagalit kapag tinutukso kayo.
Ako sana dapat yun eh.
Hindi ka rin naiinis kapag humihingi sila ng picture na magkasama kayong dalawa.
Pero ako yung naiinis.
Pero may nakilala akong lalaki. Grade 10 siya nung time na yun. Instantly, naging crush ko siya at nakalimutan kita. Pero hindi din yung nagtagal. Na turn-off ako eh. Haha lol. Hanggang sa may nakilala ulit ako, naging close kami. Grade 10 din siya nung mga time na yun. Nung una, parang nakababatang kapatid lang yung trato niya sakin at nakakatandang kapatid naman siya sa akin. Pareho kasi kami. Wala siyang mga kapatid at nag-iisang lalaki lang siya, habang ako ang pinakamatanda at dalawa palang kaming babae nun.
Pero tangnang puso to, nahulog ako sa kanya. Nawala yung dati naming tratuhan. Nagbago lahat. Pero nag-uusap parin naman kami. Awkward lang talaga.
Yun yung sabi ko na hinding-hindi ako magsasabi ng nararamdaman ko sayo. Natatakot ako. Oo na, duwag na ako, pero gusto kong isalbar ang pagkakaibigan natin.
Lahat ng babaeng may gusto sayo, sakin lumalapit kasi daw close tayo.
Pero hindi nila alam, isa na din ako sa may gusto sayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/139311256-288-k78358.jpg)
YOU ARE READING
NEVER ENOUGH
Short Story||. Sad reality Sick, twisted, love I thought I have you from the start But I guess I was never enough .|| -Second Option, Not a priority- © All Rights Reserved "Never Enough" MissMischief_