Chapter Two

13 0 0
                                    

"Ano nga ulit yung sasabihin mo sakin?"tanong ko kay Rona habang kinakain ko ang burger ko. Napatigil naman sya sa pagpapak sa sundae nya at inayos ang upo at umubo bago nagsalita. Hmm may nanliligaw siguro rito.

"Ravie may nanliligaw sakin..." kitams? Di naman sa pagmamayabang pero ang best friend ko kasi pinaka-umaangat ang kagandahan kaysa sa mga ibang mga kababaihan dito sa school. Wala nang duda kung bakit marami sa kanya ang sumubok manligaw. Pero ni-isa wala syang sinagot. Hoping pa kasi sa ex nya na iniwan sya sa ere two years ago.

"What makes it interesting para umakto ka nang kakaiba dyan? It's not like first time mong ligawan ng lalaki. Sino naman yan?" Sarkastikong wika ko sa kanya. Bumuntong hininga sya at nagsalita ulit.

"It's Charles. Bes Charles Mendez. Yung crush ko!!" Ah yung famous sa school. Kaya pala she's acting weirdly this days. Crush nya na yun since grade 8 pa.

"Oh congrats! Ginayuma mo?" Natawa naman ako sa pagmumukha ni Rona na kanina'y kilig na kilig na naging busangot.

"Wow! Salamat ah. Grabe sobrang na-touch ako sa support mo sakin." Sarkastikong sagot nito with matching palakpak pa.

"Just kidding, I'm so happy for you at the same time nag-aalala rin. Baka nakakalimutan mo, he is a playboy. He had loads of girlfriends before. Hindi imposibleng lokohin ka nya." Payo ko sa kanya sabay inom sa Chuckie ko.

"I know naman. Pero nararamdaman ko naman na sincere sya eh. Di nya naman siguro ako lolokohin." Depensa nya naman. I have no choice but to agree with her na lang. Magandang paraan na rin siguro ito para tumigil na sya kakaasa na babalikan na sya ng ex nya.

"Okay, as long as lagi mong sasabihin sa akin yung mga galawan nya sayo." Napangiti naman sya at namula. "I mean, yung mga lugar na pinupuntahan nyo at dates nyo." Pagtatama ko.

"Hehe sure. Ia-update kita sa mga lakad namin. By the way, thanks Ravie!" Mababakas talaga ang kaligayahan sa mga kanyang mata habang nagsasalita sya.

"No problem. By the way, I want to tell you something." Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang nangyari sa akin kahapon. Pero baka kasi di nya ako paniwalaan. Maski nga ako di pa tuluyang ma proseso ng utak ko ang nangyari eh.

"What's that? Baka may nanliligaw din sayo ah." Ngisi nya naman. Pero wag ko na lang muna sigurong sabihin. Kailangan ko munang matiyak kung totoo nga yung ganung uri ng kababalaghan.

"Uhm nevermind. Hahaha ituloy mo na nga lang ang pagkain ng fries. Baka ako pa sisihin mo pag nagutom ka." Maybe some other time, pero hindi pa ngayon.

»»»

Alas singko na ng hapon at ngayon pa lang ako nakauwi sa kadahilanang may meeting pa ang mga ka-groupmates ko para sa gagawin naming project. Naglalakad lang ako pauwi, dahil dalawang kanto lang naman ang layo ng school sa bahay namin. Mabuti nga ito, exercise na rin.

Habang napadaan ako sa unang kanto na wala man lang kabahayan, nararamdaman ko na may taong sumusunod sakin. Pero nung nilingon ko ito sa likod, wala naman. Napahinto ako sa pag-lalakad at pinakiramdaman ang paligid. Kasabay ng paglakas ng simoy ng hangin ang papapalapit na presensya ng taong ito sa kinatatayuan ko.

Di ko alam ang gagawin ko kaya't binaling ko ang paningin ko sa harap at nagpatuloy sa pag-lalakad. Bigla naman akong nakarinig ng di pamilyar na tinig ng babae sa likuran ko.

"Oy Gurl, sana naman hinintay mo muna yung grand entrance ko bago ka umalis dyan." Litong napalingon ako sa kanya at nandoon sya sa pwesto ko kanina.

"Ako ba ang tinatawag mo?" Paninigurado ko, baka kasi kawatan ito at maholdapan pa ako.

Lumapit naman sya sakin at pinasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa. Kakaiba ang babaeng ito. May matingkad na pulang buhok, makinis na balat , matangos na ilong, pinkish na labi, at may maitim na shade ng green ang mga mata nya. Kakaiba rin ang kasuotan nito na naka gray na cardigan na tinernuhan ng polong puti sa loob na may necktie na kulay asul, ang skirt nya naman na hanggang tuhod, ay may kulay na gray, at ang highlights nito ay kulay asul. May logo ito na 'WA' sa kaliwang dibdib nito.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong uri ng uniporme, at sigurado akong taga-malayo sya dahil walang ganitong uniform ang mga paaralan dito.

"Ano ang pakay mo sakin?" Bago sya sumagot, tiningnan nya muna ang mga mata ko.

"I am Amy, short for Amethyst Rodriguez. Isa akong estudyante ng Wilsden Academy, isang paaralan na nagte-train sa mga estudyante para gamitin ang kanilang abilities. I have an elemental ability, na malalaman mo ang mga bagay na tungkol dun, pag nasa school ka na." Pagpapakilaka nito na parang sumasali sa beauty pageant.

"Never ko pang narinig ang school na yan Amy. Same as the ability na sinasabi mo. Niloloko mo ba ako?" There's no such thing as Elemental Ability. Kakaiba itong babaeng to. "At bakit mo naman sakin sinasabi yung mga tungkol sa bagay na yan?"

"Because you are one of us, Raven." Misteryosong wika nito. "You want proofs? Before sumapit ang 16th birthday ng mga Users, lumalabas ang kapangyarihan nila. Nagkakaroon ng matinding pagsakit ng ulo na dadaloy sa katawan. Signs na iyon ng paglabas ng ability. I believe nangyari sa iyo yun. Next is, nadetect mo ang presensya ko. Ang Users lang ang nakakadetect sa kapwa User."

Pino-proseso ko pa ang sinabi nya. Ibig sabihin, alam nya ang ginawa ko sa kusina kahapon. Pero paano nya nalaman? Unless nagi-stalk sya sakin.

"Nade-detect ng headquarters ang mga gumagamit ng ability dito mortal world. Layunin ng headquarters na lipunin ang mga Users para sanayin ang kanya-kanyang abilities. At yun nga ay ang pag-pasok sa Wilsden Academy. Kaya nandito ako para hikayatin ka." Sagot nya na para bang nabasa nya ang isip ko.

"What if I turn down your offer?"panghahamon ko sa kanya.

"You won't." Misteryosong sagot nya kasabay ng isang ngisi. Okay! Nakakatakot ang isang to.

"I-I'll think about it. It's just, ang hirap kasing paniwalaan! See? I'm living in a world of normal people, tapos one day may lalapit sayo na sasabihin na mayroong isang school na nagte-train sa mga ibang uri ng tao, at sasabihing isa ako sa kanila." Di makapaniwalang wika ko.

"I'll give you time to think. Alam kong mahirap paniwalaan sa mga gaya mo na lumaki sa mortal world. But please, consider it. Kailangan ka ng mundo natin." Malumanay na sabi ni Amy at ngumiti ito bago naglaho papaalis.

Bagama't nalilituhan ay nagpatuloy na ako sa naantalang paglalakad papauwi sa amin.

»»»

Pakarating ko sa pinto ay nakaramdam ko malakas na presensya. Nagtayuan ang mga balahibo at naghatid ng kakaibang takot sakin. Iba ito kaysa sa naramdaman ko kay Amy. Ang presensyang ito ay parang maghahatid ng panganib.

Sa takot ay, nagmamadali kong kinuha ang susi sa backpack ko at nanginginig na ipinasok sa seradura ng pinto. Mamayang gabi pa ang dating nina Nanay Lulu at Tito Tinio dito dahil bumyahe sila bigas sa bayan.

Pagkapasok ay agaran kong inilock ang pinto at binuksan ang ilaw. Dumeretso ako sa kwarto ko at nagtalukbong ng kumot. Napaka-childish man pakinggan pero natatakot na talaga ako.

Di ko na namalayan ang paligid at dinalaw na agad ako ng antok at tuluyan nang dumilim ang paningin ko.

※※※

To be continued...

Wilsden AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon