Chapter One

14 1 0
                                    

14th Day of September, 2000

May isang babae ang nakabalot sa makapal na telang itim at may bitbit na maliit na kahon. Malakas ang buhos ng ulan kaya't medyo nahihirapan syang maglakad sa dilim. Di inalintana ng babae ang ginaw at gutom na nararamdaman makarating lang sa pinto ng natitira nyang kamag-anak.

Sa tapat ng pinto ay maingat nyang ibinaba ang maliit na kahon at puno ng pagmamahal na tiningnan ang laman nito. Isang batang babae. Hinaplos ng ina ang mukha ng bata, tinitigan ito. Tila ba kinakabisado ang istraktrura ng mukha nito. Mula sa bilog na mata,matangos na ilong at mamula-mulang labi nito.

"Magpakalakas ka anak. Ito lang ang paraan para maging ligtas ka anak. Tatandaan mo na mahal na mahal ka namin ng Papa mo." At ilang saglit pa ay huminga sya ng malalim at kinatok ang pinto.

Nang masigurado na may taong papalapit sa pinto ay nag-iwan sya ng huling sulyap sa kanyang anak, saka lumuluhang umalis. Labag man sa kalooban nya na iwan ang anak hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay, ay mas inintindi nya ang kaligtasan at kapakanan ng anak.

✳✴✳✴✳
September 2017

RAVEN'S POV

"RAVEEEN!!! Yung niluluto ko pakitingnan naman. May ide-deliver lang ako kay Tita Midang babalik din ako agad."sigaw sakin ni Nanay Lulu mula sa pinto bitbit ang dalawang paper bag na naglalaman ng pa-order nya sa Avon.

"Sige 'nay! Ingat ka." sagot ko naman habang bumababa ng hagdan. Dumeretso muna ako para maghilamos ng mukha sa banyo. May ilang minuto ko ring tinitigan ang mga brown na mata ko.

Lagi akong nag-iisip kung kanino ko naman ang magagandang matang nakikita ko. Bata pa lamang ako ay mulat na ako sa katotohanang di ko tunay na magulang ang mga taong kumukupkop sa akin ngayon. Ayos lang naman sakin iyon at nagpapasalamat pa rin ako dahil pinalaki nila ako ng maayos. Pero di ko pa rin nawawaglit sa aking isipan ang mga katanungan tulad ng "kamusta kaya ang mga magulang ko?", "makikita ko pa kaya sila?"

Nag-ayos na rin ako ng buhok at ipi-nony tail ko ito. Naglagay na rin ako ng konting pulbo at lip tint sa labi. Naks naman, mukha na rin akong tao.

Hmm I can smell something burning...

Oh shoot! Yung pinaluluto nga pala ni Nanay Lulu!

Singbilis ng kidlat nung bumaba ako sa kusina. At natagpuan ko na lamang ang nangingtim at amoy sunog na tocino. Agad kong pinatay ang kalan at nanlulumong napatingin sa ulam. Patay ako kay tito Tinio nito.

May ilang segundo pa akong nakatayo rito at ilang saglit pa ay bigla akong nakaramdam ng init na dumadaloy sa utak ko patungo sa mata. Arghhh!!! Ang sakit!!! Tila ba'y nasa loob ako ng microwave oven. Di ko na namamalayan ang nangyayari sakin nang maramdaman ko na lang ang malamig na sahig at pagdilim ng aking paningin.

»»»

Pagdilat ng aking mga mata ay bumungad sakin ang Orion Constellation sa kisame ng kwarto ko. Paano ako nakarating dito? Huling natatatandaan ko lang ay ang pagpatay ko sa kalan dahil nasusunog na yung tocino. Pagkatapos nun, di ko na matandaan ang nangyari.

Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa kwarto ko. At bumungad sakin si Nanay Lulu na may nag-aalalang mukha. Buti talaga nandito si Nanay para sakin. Kahit di ko sya tunay na ina, hindi yun hadlang para ituring ako na parang tunay nyang anak.

"Oh Raven, buti gising ka na. Ano ba ang nangyari sayo sa kusina? Aba'y pinabantayan ko lang naman sayo yung niluluto ko,pero di naman literal na dun ka na matulog." Habang kinakapa-kapa ang noo at leeg ko. "Mukhang wala ka namang sinat. Masakit ba ulo mo? Bakit di ka uminom ng gamot?"

"Nay okay na ako. Medyo nahilo lang ako kanina. Pero ngayon wala na." Pagpipigil ko naman sa kanya at tumayo na ako.

"Oh? Bakit tumatayo ka na dyan? Hay nako namang bata ka! Ang tigas talaga ng ulo mo." Kunsuming wika ni Nanay Lulu. Wala naman syang nagawa kaya't hinyaan na nya ako.

"By the way 'nay, sorry ah. Nasunog ko yung ulam natin. Hayaan mo, magluluto na lang ulit ako." Nagtataka naman si Nanay at mukhang may sinabi akong mali.

"Anong sunog? Nung dumating ako, nakapatay lang ang kalan. At hilaw ang ulam. Ikaw talagang bata ka!" Naguluhan ako sa sinabi ni Nanay. Malinaw na malinaw na ang naaalala ko bago ako mag pass out, ay sunog ang tocino. Pano magiging hilaw yun?

Di na lamang ako sumagot sa kanya at dumeretso sa kalan. Binuksan ko ang Tupperware at totoo nga! Bagong luto pa ang tocino na kanina lang ay sunog.

"Sigurado ka ba nanay na hindi sunog ang inabutan mo sa kawali kanina?" Dudang tanong ko kay nanay. Imposible namang bumili na naman sya ng panibagong tocino dahil alam kong gipit kami ngayon at mahal ang presyo ng baboy.

"Aba'y oo nga! Napakakulit mo Raven. Kumain ka na nga. Sayo na yang ulam na natira, dahil kumain na kami ng tito Tinio mo. Pagkatapos mo dyan, paki-hugasan na rin yung mga pinggan. Sige magsa-sampay lang ako sa labas."

"Sige po 'nay." Kakaiba talaga yung nangyari ngayon.

»»»

"Sino ang kasintahan ni Basilio, na namatay sa kumbento? ." Naglilibot na naman ang mata ni Ma'am Sevilia at kanya-kanyang yuko naman ang mga kaklase ko. Alam na kasi nila ang ugali ni Ma'am. Kung sino ang makakasagot ay tatatakan nya ng star sa braso. Tinatrato nya ang mga estudyante nya na parang kinder kahit mga Grade 10 na kami. Hindi lang kami makapalag sa kakaibang trip ni Ma'am kasi bukod sa magmemenopause na naman at magsermon na naman sa klase, ay baka ibagsak pa kami nito.

"Okay Mr. Tatlonghari, stand up." Nagulat naman si Jay pero kahit napipilitan ay tumayo pa rin. Napalunok naman ito bago sumagot.

"S-si Padre Damaso po." naku top 1 sa overall namin yan, pero dahil nga sa 'prize' ni Ma'am ay kahit alam nya ang tamang sagot, ito ay di nya sinabi. Maski ako man siguro ganyan din gagawin ko.

"Naku Tatlonghari! Nakikinig ka man lang ba sa mga intinuturo ko? Aba naman. Kelan pa nagkaroon ng kasintahan si Basilio ng isang pari?! At si padre Damaso pa! Para sa iyong kaalaman Mr. Tatlonghari, namatay na si Padre Damaso noong Noli Me Tangere pa lamang. Ipapa-alala ko lang sayo na nasa El Filibusterismo na tayo ngayon." Ayun nga lang, kapalit ng hindi tamang sagot ay ang paghi-hyterical ni Ma'am. Napaupo na lamang sa kahihiyan si Jay at nagsimula nang mag-discuss si Ma'am.

"Psst Canteen tayo mamaya. May sasabihin ako sayo." Sitsit sakin ni Rona na dalawang seat ang layo sakin. Nag mouth naman ako sa kanya ng okay at bumalik na muli sa pakikinig.

※※※

Author's Note

This story is inspired of many stories and movies like Harry Potter, Peculiar's Tale, and Doctor Strange and others. Hehe ayun lang.

Wilsden AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon